Rendon Labador Binawi Ang Pagkampi Kay Ricci Rivero Dahil Sa Pagiging Dugy0t At Palamunin!

Martes, Hulyo 18, 2023

/ by Lovely

Nagbago ang isip ng motivational speaker na si Rendon Labador sa pagkampi kay Ricci Rivero matapos niyang mapanood ang panayam ni Vice Ganda kay Andrea Brillantes sa kamakailang vlog ng Unkabogable Star.


Matatandaan na kinampihan noon ni Rendon Labador si Ricci Rivero sa gitna ng kontrobersiya ng hiwalayan nila ni Andrea Brillantes.


Ayon kay Rendon Labador, kaya hiniwalayan ni Ricci Rivero si Andrea Brilllantes dahil sa pagiging isip-bata nito.


Subalit nang makita ang vlog ni Vice Ganda, nagbago ang pananaw ni Rendon Labador at binawi ang kanyang pagkampi kay Rendon Labador.


Sa sunod-sunod na social media post, binanatan ni Rendon Labador ang basketball player at tinawag na dugyot at palamunin.


Matatandaan na sa vlog ni Vice Ganda, isiniwalat ni Andrea Brillantes ang isang tip para madaling makapag-move on sa isang relasyon.


“Gusto ko lang sabihin minsan, kung hirap ka mag-move on, kailangan mo talaga isipin ‘yung mga bagay na, ‘Talaga ba iiyakan ko ‘yung lalakeng hindi nagpapa-laundry nang isang taon?”


Bagama't hindi naman pinangalanan ni Andrea kung sino ang kanyang ex na tinutukoy, naniniwala ang lahat na ito ay walang iba kundi ang kanyang latest ex-boyfriend na si Ricci Rivero.


Bukod dito, sinabi rin ni Andrea na wala na siyang balak na bawiin ang mga ibinigay niyang regalo sa kanyang ex dahil kung babawiin niyang lahat ay wala nang matitirang gamit sa condo unit nito.


Kaya naman hindi na naitago ni Rendon Labador ang kanyang pagkadismaya dahil nagkamali umano siya sa pagkampi kay Ricci Rivero.


“Kinampihan pa naman kita bro sa #CareerMunaBagoLandi. Akala ko matindi ka talaga. ‘Yun pala puro ka porma, dugyot ka na, palamunin ka pa!” saad ni Rendon Labador.


“Kahihiyan sa ating mga kalalakihan si Ricci Rivero, puro porma palamunin pala!” dagdag pa ni Rendon.


Ayon pa kay Rendon Labador hindi deserve ng isang katulad ni Andrea si Ricci Rivero dahil sa mga katangian nito.


Gayunpaman, kinukwestiyon ni Rendon Labador kung bakit hindi kabilang sa mga naibigay ni Andrea ang washing machine na tila kailangan ni Ricci Rivero para makapaglaba naman ito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo