Naniniwala ang GMA Network CEO na si Felipe Gozon na paghaharian ng It's Showtime sa taas ng ratings ang lahat ng noontime shows sa television, lalo na't ipinapalabas na ito ngayon sa kanilang sub channel na GTV.
Sa naganap na presscon noong June 30, 2023, ipinahayag ni Felipe Gozon na makakatulong ang mataas na reach ng kanilang channel sa pagtaas ng ratings ng It's Showtime. Dahil marami nang mga Pilipino na maaring makapanood nito.
“Sa aking pananaw, ang pinagsamang skills, expertise, experience and resources ng ABS at GMA can be characterized as very formidable. Dahil malawak ang analog at digital reach at malinaw ang signal at reception ng GTV, malamang na hindi lamang ma-maintain ng Showtime ang mataas na rating nito kung hindi baka tumaas pa.”
Ipinahayag din nito ang posibilidad ng mas marami pang collaboration project sa pagitan ng ABS-CBN at GMA7.
“Nag-uusap kame ni Mark at ni Carlo bago tayo umupo rito at sa tingin ko sa darating na panahon, mayroon pang magiging collaboration between GMA and ABS that will be mutually beneficial and rewarding for both of us.”
Gayunpaman, lumabas pa ring mas mataas ang ratings ng E.A.T, ang show ng mga legit dabarkads na pinangungunahan ng TVJ noong July 1. Kung saan parehas na iniere ang kani-kanilang pilot episodes.
Subalit, marami naman ang nagsasabing hindi dapat ipagyabang ng TVJ ang kanilang pagiging number 1 dahil nag-uumpisa pa lamang umano ang lahat.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!