Tila nausog umano ang rating ng Eat Bulaga ng TAPE Inc. matapos i-flex ng host na si Paolo Contis ang pagtaas ng kanilang ratings.
Muling bumagsak ang ratings ng revamped Eat Bulaga, matapos ipagmalaki ni Paolo Contis ang pagtaas nila kung saan naungusan na nila ang dating pumapangalawa na It's Showtime.
Matatandaang, masayang ibinahagi ni Paolo Contis ang pagtaas ng ratings nila kung saan nakakuha sila ng 3.3% noong July 3 at 3.9% naman noong July 4.
Subalit, noong July 5 muli na naman silang bumagsak kung saan nabawas ng .6% ang kanilang ratings ayon sa Nielsen Philippines Data.
Gayunpaman, sa kabila ng pagbaba ng kanilang ratings, masaya pa rin ang ilang mga tagasuporta ng Eat Bulaga dahil nagkakakuha pa rin ito ng decent rating sa kabila ng mga pambabatikos sa mga panibagong hosts nito.
Samantala, patuloy rin naman ang pagbaba ng ratings ng E.A.T sa TV5 kasunod ng pagrereklamo ng ilang mga netizens na umano'y naging boring na ang kanilang show sa pagkawala ng 'Pinoy Henyo' at 'Bawal ang Judgemental' segments nito.
Narito naman ang ilang komento ng mga netizens.
"Mayabang kasi yong pavictim kala nya mauuto nya sa kanyang kdramahan ang mga tao legit fans lang ang nagtatyaga sa kanila ang iba nga naumay na"
" 4 araw pa lang ang lamay este programa from 8.4 ngayon 4.6 na meaning around 45% na ang nawala sa kanila."
"Yung E.A.T. parang comedy bar sya na pangtanghalian.
Yung Showtime naman talagang Gen Z fanbased show siya kaso nasa GTV lang at wala sa Flagship Channel na 7
Yung New and Refreshing Eat Bulaga, kailangan lang i-tweak yung ibang portions at dadagan pa ng exciting part."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!