RaffyTulfo Nagsorry? Nagkamali Sa Pagtulong Sana Kay Awra

Martes, Hulyo 4, 2023

/ by Lovely


 Tila nag-iba ang ihip ng hangin sa naging pahayag kamakailan ni Sen. Raffy Tulfo patungkol sa isyung kinasasangkutan ng aktor na si Awra Briguela.


Matatandaan, na pinaburan noon ni Sen. Raffy Tulfo si Awra Briguela matapos itong sampahan ng kaso ng nakarambulan nito na nagpakilalang Mark at ng mismong Makati Police.


Inalmahan rin ni Sen. Raffy Tulfo ang naging pahayag ng mga pulis na dahil isang gay si Awra ay naging agresibo ito ng hindi tinupad ni Mark ang kagustuhan niyang maghubad ng pantalon.


"Ay hindi Sir, mali ka diyan Sir. Wag ganun. Palibhasa'y gay, gustong makita agad ang katawan ng isang lalaki? Siguro po, merong pinagmulan yung kaguluhan," naging pahayag noon ng Senador.


Subalit, ngayon ay tila ba natauhan na ito at pumanig naman sa mga pulis at sa may-ari ng bar. Lalo na nang lumabas ang mga CCTV footages at mga videos na may kinalaman kay Awra at kung paano nagsimula ang gulo sa bar.


Nakatanggap din si Sen. Raffy ng samu't-saring pambabatikos mula sa mga netizens at maging sa ilang mga lawyers sa umano'y pakikialam niya sa imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa kaso ni Awra Briguela.


Hindi umano ito nararapat dahil paglabag ito sa due process. Naging padalos-dalos din umano si Sen. Raffy Tulfo sa pagkampi kaagad kay Awra Briguela base lamang sa mga naging pahayag ng kanyang mga kaibigan.


Samantala, tila binawi naman ni Sen. Raffy Tulfo ang kanyang naging pahayag na homophobic remark ang assessment ng Chief of Police sa Makati.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo