Rabiya Mateo, Hindi Nagsisisi Na Binigyan Ng Second Chance si Jeric Gonzales

Biyernes, Hulyo 21, 2023

/ by Lovely


 Ipinahayag ng Kapuso actress na si Rabiya Mateo na hindi nagsisisi na binigyan niya ng second chance ang kanyang boyfriend at kapwa Kapuso actor na si Jeric Gonzales.


Matatandaang kumakalat noon ang isyung naghiwalay na sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo kasabay ng pagkalat ng mga nakakaiskandalong larawan ni Jeric Gonzales kasama ang isa pang lalaki.


Sa kabila nito, nanatiling tahimik sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo hinggil sa nasabing isyu. Hindi rin nila kinumpirma o pinabulaanan man lang ang bali-balita.


Samantala, sa kamakailang guesting ni Rabiya Mateo sa show ni Boy Abunda, inamin ni Rabiya na totoong naghiwalay sila ni Jeric Gonzales sa maikling panahon.


Subalit, napagtanto umano niyang dapat bigyan ng second chance ang kanilang relasyon.


“Alam mo Tito Boy, kasi noong ako lang mag-isa, mas hirap ako na wala siya. Parang mas okay na lang na kainin ‘yong pride ko. You know, to learn to understand, kaysa nawala siya. So, parang doon ko na-realize na, we need to give this relationship a second time and hindi ko siya pinagsisihan,” pagbabahagi ni Rabiya Mateo.


Samantala, ipinahayag naman ni Jeric na worth it naman ang pagbibigay nila ng second chance sa kanilang relasyon. Malaki rin umano ang kanyang pasasalamat kay Rabiya dahil binigyan siya ng second chance na hindi naman nito pinagsisihan.


Sa kabilang banda, labis naman na natutuwa ngayon si Rabiya Mateo dahil nakatrabaho na niya ang kanyang longtime celebrity crush na si Dingdong Dantes.


Gayunpaman, nilinaw naman niyang walang dapat na ipag-aalala si Marian Rivera ang may bahay ni Dingdong Dantes.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo