Pura Luka Vega, Pinatawan Ng Parusang Persona Non-Grata Ng GenSan!

Linggo, Hulyo 23, 2023

/ by Lovely


 Tinawanan lamang ng Drag Den Philippines contestant na si Pura Luka Vega ang pagturing sa kanya bilang persona non-grata ng Gensan dahil sa kanyang Ama Namin video.


Matatandaan na labis na binatikos ng mga Christian believers lalong lalo na ng mga Katoliko ang ginawang paggaya ni Pura Luka Vega kay Jesus Christ at ginamit pa ang Christian Mass song na 'Ama Namin'.


Kasunod nito naglabas ng kautusan ang General Santos City government kung saan inilabas na itinuturing 'Persona Non-Grata' ng kanilang lugar si Pura Luka Vera.


“The 20th Sangguniang Panlungsod also passed a resolution condemning the Ama Namin Remix drag performance of Drag Queen Pura Luca Vega or Amadeus Fernando Pagente in real life.”


“Along with that, Pagente was also declared as ‘persona non grata’ or an unwelcome person in General Santos City.”


“According to the body, while the City Council recognized the Freedom of Speech and Expression and Freedom to Travel of the performer, the resolution was meant to show the feelings and sentiments of the largely Christian population of the city,” pahayag ng GenSan LGU.


Matatandaan na nauna nang nanindigan ang nasabing Drag Queen na hindi niya buburahin ang video na kanyang inupload dahil wala umanong mali sa kanyang ginawa.


Pagpupunto pa nito na ang kanyang ginawa ay hindi pambabastos sa paniniwala ng iba kundi ito umano ang kanyang paraan ng pananampalataya.


Sa kabilang banda, hindi pa naglalabas ng kasagutan ang Drag Den Philippines contestant sa parusang ipinataw sa kanya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo