Nauna nang nanindigan si Pura Luka Vega na hindi siya hihingi ng paumanhin sa mga Katoliko at lalong-lalo na hindi niya idedelete ang kanyang post.
Naniniwala umano siya na walang masama sa kanyang ginawa kundi nagpapakita lamang siya ng kanyang art bilang Drag Queen.
Maging ang ilang mga senador at ilang mga celebrities na kilalang Catholic Believers ang nauna nang nagpahayag ng pagkakadisgusto sa ginawa nito.
Subalit tila hindi man lang natitinag si Pura Luka Vega sa mga natatanggap niyang pambabatikos. Sa pagkakataong ito, pati ang ostiya o ang tinatawag na banal na tinapay ng mga Katoliko ang kanyang isinama sa video.
Sa naturang TikTok video, hayagang niri-rate ni Pura Luka Vega ang ostiya na inihahalintulad lamang sa isang ordinaryong tinapay.
Ipinakita muna niya ang buong disenyo ng ostiya bao pagpuputol-putulin na kagaya ng ginagawa ng mga Pari.
Sinabi pa niya na ang kahulugan ng simbolong IHS na nakasulat sa ostiya ay International High School. Gayung ang totoong kahulugan nito ay ang Latin word na "Iesus Hominum Salvator" na ang ibig sabihin ay "Jesus, Savior of Men."
"Overall, I give this an 8.5 over 10. Really good... really really good," pahayag pa nito matapos kainin ang ostiya.
Marami naman sa mga Katoliko Romano ang nagngingitngit sa ginawang ito ni Pura Luka Vega dahil pinapanindigan na umano nito ang pagiging bastos sa pananampalataya ng karamihan.
"isn't this too muh?"
"RESPECT IS EARNED, So di ka dapat respetuhin! KUP4L"
"you are asking for respect specially on religious people, but here you are mocking their religion. respect begets respect"
"Is this a test for catholics, d k nmin papatulan we respect your expression but one thing you can never ever change…sacred is sacred and you cannot mess it up , thank you at pinalabas mo lalo ang faith nmin , i advise to you to read the bible and memorize the 10 commandments of God 🙏🙏🙏 i will persolly pray for you"
Marami naman ang humihiling sa CBCP na sana ay kasuhan si Pura Luka Vega para naman hindi ito gayahin ng iba pang anti-Catholics.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!