Paolo Contis, Sinagot Ang TVJ, Hindi Daw Sila Fake: Sino Ang Nagmamay-ari Sa Eat Bulaga?

Linggo, Hulyo 30, 2023

/ by Lovely


 Tila nagpasaring ang panibagong Eat Bulaga host na si Paolo Contis sa TVJ, na patuloy pa ring naninindigang sila ang nagmamay-ari sa TVJ. Ilang beses ring tinatawag ng TVJ at kanilang mga fans na mga peke ang mga pumalit na hosts ng Eat Bulaga.


Kaya naman tila pumatol na ang panibagong host na si Paolo Contis. Sa episode ng Eat Bulaga noong July 29, 2023, pinasaringan niya ang TVJ na nagsasabing sila ang nagmamay-ari sa Eat Bulaga.


Ayon kay Paolo Contis, kahit hindi siya naging host ng Eat Bulaga sa loob ng 44 years, naging bahagi naman umano siya sa journey nito bilang celebrity guest at bilang manonood ng Eat Bulaga.


Naniniwala din umano si Paolo Contis na ang Eat Bulaga ay hindi pag-aari ng kahit sino.


“Ang tanong, sino ba ang nagmamay-ari ng Eat Bulaga? Ang sagot, lahat po tayo kasi sa 44 years lahat po tayo ay naging bahagi nito,” pahayag ni Paolo Contis.


Sinagot din ni Paolo Contis ang mga sinasabi sa kanila ng mga bashers na wala silang ambag sa tagumpay ng Eat Bulaga dahil kamakailan lamang silang naging hosts.


“Hindi po maiiwasan may mga magsasabi na wala kaming ambag dahil bago lamang po kami dito, pero ang mahalaga ay lahat naman ay ginagawa namin para ipagpatuloy ang pagbibigay ng saya at tulong sa inyo.”


Iginiit din ni Paolo Contis na hindi sila 'fake' dahil totoo ang kanilang intensyon na magbigay ng saya at tumulong sa mga manonood.


Matatandaang nauna nang ipinahayag ni Tito Sotto na walang karapatang magdiwang ng 44 year anniversary ang TAPE Inc. at ibang mga hosts ng Eat Bulaga dahil kamakailan lamang silang naging bahagi ng show.


“Kami orig na may karapatan mag-celebrate. From TAPE people and current hosts, none of them were there 44 years ago. Ano itatapat nila eh wala naman sila doon in the last 43 years? Feb lang pumasok mga new officers then June ito mga bagitong hosts.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo