Isa sa mga natanong ni Ogie Diaz sa kanyang kumpare na si Paolo Contis ay kung nagbabalak na ba silang magkaanak ng kanyang girlfriend na si Yen Santos.
Agad naman itong sinagot ni Paolo Contis at diretsahang ipinahayag na wala pa silang balak ni Yen Santos na magkaroon ng sariling anak dahil marami pa umano siyang kinakailangang gawin.
Ayon kay Paolo Contis, kasalukuyan pa niyang inaayos ang kanyang buhay sa ngayon kaya naman wala pa siyang balak na magkaroon ng panibagong responsibilidad.
Pagdidiin pa ni Paolo, bago siya magpaplano na magkaroon ng baby no. 4 ay dapat muna niyang unahin na maging stable ang kanyang pamumuhay.
Dagdag pa ni Paolo, magiging unfair para sa batang isisilang dahil marami pa siyang dapat ayusin sa kanyang buhay. Magiging unfair din umano ito sa kanyang tatlong anak dahil hindi na naman sila ang matutukan at mabibigyan ng panahon ni Paolo.
“At the end of the day, natutunan ko, kailangan kong ayusin lahat.”
“Regardless kung happy ending o sad but it has to para… basta maayos. Kailangan kong maayos lahat. It will be very unfair kung sabihin kong gusto kong magkaroon ng anak pa.
“Unfair yun sa bata, na marami akong bagay na hindi ayos. Unfair yun doon sa baby. Unfair yun sa ibang mga bata na, ‘Heto na naman siya’ ‘di ba.
“Siguro bago ako mag-jump into that, everything has to be fixed,” pahayag ni Paolo Contis.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hanggang ngayon ay nakakatanggap pa rin ng pambabatikos ang aktor na si Paolo Contis dahil sa kanyang pag-amin na hindi siya nagbibigay ng suporta sa kanyang mga anak kina Lian Paz at LJ Reyes.
Lalo pa itong nadadagdagan dahil sa pagiging host niya sa revamped Eat Bulaga ng TAPE Inc.
Sa kabilang banda, nagbigay naman ng unsolicited advice si Manay Cristy Fermin kay Paolo Contis. Pagpapayo ni Cristy Fermin, dapat ay iwasan na ni Paolo Contis ang pagpatol sa kanyang mga bashers.
Bagkus dapat na umanong ipakita nito sa lahat na totoo na siyang nagbago at pinagsisikapan na niyang makapagbigay ng sustento sa kanyang mga anak lalo na't mayroon naman na siyang trabaho.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!