Paolo Contis Ibinahagi Ang Paghahanda Nila Para Sa 44 Anniversary ng Eat Bulaga

Biyernes, Hulyo 7, 2023

/ by Lovely


 Nagreact na rin ang panibagong host ng Eat Bulaga na si Paolo Contis sa isyung magtatapos na ang kanilang show at final airing na umano sa darating na July 29, 2023.


Hindi man diretsahang pinabulaanan ni Paolo Contis ang isyu, ibinahagi naman niya sa isang panayam na nag-iisip na sila ng panibagong segments na idadagdag sa kanilang show.


Bukod pa rito, pinaghahandaan na rin umano nilang ang upcoming 44 years anniversary ng Eat Bulaga. Tiyak umanong magiging big celebration ito sa darating na July 29, 2023.


Hindi na rin nagbigay pa ng karagdagang pahayag si Paolo Contis nang matanong hinggil sa TVJ. Alam din umano ni Paolo Contis na sa pagsi-celebrate nila sa 44 years anniversary ng Eat Bulaga ay mababash nanaman sila.


Samantala, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang dating Eat Bulaga hosts partikular na ang TVJ na naging pioneer hosts  ng nasabing noontime show. Matatandaan na iginigiit nila na sila ang totoong nagmamay-ari ng 'Eat Bulaga' kahit pa wala na sila ngayon sa show.


Sa katunayan, ipinahayag ng TVJ na ongoing ang kanilang petition ngayon upang mabawi sa mga Jalosjos ang trademark ng 'Eat Bulaga'.


Tila handang-handa naman sina Paolo Contis at iba pang panibagong hosts ng Eat Bulaga sa pambabatikos na kanilang matataggap sa pagdiriwang nila ng 44 years anniversary na bunga naman umano ng pagsisikap ng mga naunang hosts.



@chikangina Replying to @andengvp Kaya nga nakakainis lang na kineclaim nila sila daw ung halos 44 years na daw na kasama, of course it's about host and mga portion nuon na tumatak sa Tao Kung ako SA kanila wag nalang sila magsalita Ng ganyan mejo bad impact for me ano pa sa ibang netizens, saka tigilan na ung paawa epek #eatbulaga #legitdabarkads #tvjontv5 ♬ original sound - Chikang Ina

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo