Paolo Contis, Aminadong Nagsisisi Sa Mga Kamalian Sa Buhay Kung Saan Naging Collateral Damage Ang Mga Anak

Linggo, Hulyo 9, 2023

/ by Lovely


 Inamin ng actor-host na si Paolo Contis ang kanyang pagkakamali at pagkukulang lalong lalo na sa kanyang mga anak sa mga babaeng nagdaan sa kanyang buhay.


Ipinahayag ni Paolo Contis sa isang panayam na naging collateral damage ang kanyang mga anak sa nagawa niyang pagkakamali noon sa kanyang buhay. Bagama't hindi tahasang inamin ni Paolo hinuha ng marami na ang kanyang tinutukoy ay ang mga failed relationship niya kasama sina Lian Paz at LJ Reyes.


Sa kabila naman nito, inamin rin ni Paolo na sobrang miss na niya ang kanyang mga anak na ilang taon na rin niyang hindi nakakasama.


“It’s just really sad na naging collateral damage sila sa mga kamalian ko. Kung meron akong regret, yun yung mga oras na nawala… For me, buong buhay ko yung pagsisisihan.


“But more than anything, ang isang fear ko is that I will never get the opportunity to actually talk to them. I will never ever enter their lives para manggulo,” ani Paolo.


Hiling din ni Paolo Contis, na sana ay mabigyan naman siya ng pagkakataon na makausap ng maayos ang kanyang mga anak.


“Just to have a decent conversation, that’s all I’m asking."


Matatandaan na nauna nang naiulat ang kagustuhan umano ng mga anak ni Paolo Contis kay Lian Paz na palitan na ang kanilang apilyedong 'Contis'.


Ayon pa sa mga netizens, marahil ayaw na ng mga anak ni Paolo kay Lian Paz na madala ang apilyedo ng amang inabandona na sila.


Matatandaan rin na si Paolo Contis mismo ang umamin na hindi siya nagbibigay kailanman ng sustento sa kanyang mga anak.


Sa kabilang banda, masaya namang naninirahan ngayon si LJ Reyes sa Amerika at ikakasal na sa kanyang fiancee na si Philip Evangelista. Inamin rin noon ni Paolo Contis na kailangan muna niyang humingi ng permiso sa lawyer ni LJ Reyes bago niya mapuntahan ang kanyang anak.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo