Nagsalita na ang pamilya ng yumaong aktor na si Rico Yan hinggil sa pagsisiwalat ng dating sexy star na si Sabrina M. patungkol sa sinasabi niyang 'secret relationship' nila noon ng yumaong aktor.
Sa latest episode ng Showbiz Update vlog ni Ogie Diaz, binasa niya ang umano'y mensahe ng pamilya Yan sa mga sinisiwalat ni Sabrina M.
Ayon kay Ogie Diaz, humiling ang ina ni Rico Yan na sana ay itigil na ni Sabrina ang mga pagsisiwalat ng kung ano-ano sa pangalan ng aktor dahil matagal na itong nanahimik.
Napaka-unfair din umano nito dahil kailanman ay hindi na maipagtatanggol pa ni Rico ang kanyang sarili.
Hindi na rin umano nito maitatanggi o makukumpirma ang mga pinagsasabi ni Sabrina M.
“It has been 21 years since Rico passed on March 29, 2002. The pain of the family losing a son and a brother, has been permanently etched into our being.
“The recent news swirling around Rico is very unfair. He is no longer around to give his comment, to either refute, deny, or acknowledge the claims. It is not only unfair but disrespectful.
“I ask everyone concerned to please STOP using Rico’s name for their own individual purposes. Please leave Rico, and us in peace. Thank you.”
Nauna rito, nanindigan si Sabrina M. na hindi siya hihingi ng paumanhin at handa siya sa anumang legal actions dahil totoo naman umano ang kanyang mga sinasabi.
“Wala pong public apology na magaganap, kung ano man panakot na ikakaso nila, karapatan nila iyon at haharapin nalang namin ng mga abogado ko ang isasampa nila. Sinabihan na rin po ako ng abogado ko na ‘wag na mag comment pa,” pahayag ni Sabrina.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!