Pambansang Kolokoy Isiniwalat Ang Baho Ni Marites Mondina, Kaya Niya Iniwan!

Huwebes, Hulyo 20, 2023

/ by Lovely


Isiniwalat na ni Pambansang Kolokoy ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ng dating asawa na si Marites Mondina.


Sa panayam ni Ogie Diaz kay Pambansang Kolokoy, marami siyang isiniwalat patungkol sa dati niyang asawa na ikinagulat ng lahat.


Ito umano ang pangunahing dahilan kung bakit tuluyan nilang tinuldukan ang kanilang pagsasama.


Matatandaan na nauna nang ibinahagi ni Pambansang Kolokoy na nagpapanggap lamang silang masaya ni Marites sa harap ng kamera habang gumagawa ng vlog.


Samantala, sa nasabing panayam, isiniwalat ni Pambansang Kolokoy na lumayo siya sa mga taong dating malapit sa kanya para pagbigyan si Marites dahil nagagalit ito.


“Hindi ko nakita ‘yung magulang ko, ‘yung tatay ko for 10 years hindi ko nakausap at ‘yung nanay ko hindi ko nakausap for 8 years,” pagsisiwalat ni Joel. 


“Magkatabi lang ‘yung bahay namin. Ayaw ni Grace na kausapin ko sila,” dagdag pa nito.


Pagbabahagi pa ni Pambansang Kolokoy, may hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Marites at kanyang mga magulang dahil hindi gusto ng kanilang mga magulang si Marites dahil kasal pa ito nang una niyang makilala.


“Nung una kasi nakilala si Marites, she was still married when I met her. Syempre nalaman ng parents ko ‘yun at bilang isang Pilipino parang hindi sila agree du’n sa ganu’ng klaseng relasyon."


Ayon pa kay Pambansang Kolokoy, pinagbabawal ni Marites na ipakita at ipakilala sa kanyang mga magulang ang kanilang mga anak.


“Masakit kasi ‘yung mga anak ko, hindi kilala ‘yung mga magulang ko. ‘Yung isang anak ko, nung pinakita ko sa Facetime, tinanong ‘Daddy who is she?’ sabi ko that’s your grandma,” pagbabahagi ni PK.


Pinagbibigyan lamang umano niya si Marites upang hindi na sila magkagulo, maging ang kanyang mga kaibigan ay iniiwasan at sinisiraan niya para lamang kay Marites.


“Kinalimutan ko ‘yung parents ko just to make her feel good. May mga time din na nagsisinungaling ako just to make her feel good. Siniraan ko ang best friend ko just to make her feel good.”


“Kung ayaw n’ya sa isang tao, dapat ikaw, ayaw mo din du’n sa taong ‘yun,” pagsisiwalat ni PK.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo