Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y pagpo-propose ni Joel Mondina aka Pambansang Kolokoy sa kanyang nobya na hindi pa rin niya ipinapakita sa publiko.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ng isang kakilala ni Joel Mondina ang larawan kung saan makikitang tila nagpo-propose na si Pambansang Kolokoy sa kanyang bagong girlfriend na siyang ipinalit niya sa kanyang dating asawa.
“My very very best friend is engaged. Uncle, I knew you were the one for her. Thank you for loving my best friend the way that you do and choosing her forever,” pahayag ng uploader.
Samantala, marami naman sa mga netizens ang napapatanong kung sino nga ba talaga ang totoong nobya ni Pambansang Kolokoy, dahil nauna na niyang nilinaw sa panayam kay Ogie Diaz na hindi si Gladys Guevarra.
Ayon kay Pambansang Kolokoy, purely collaboration lamang ang namagitan sa kanila ni Gladys at sinadya lamang umano niya upang mapagtakpan at maitago sa publiko ang totoo niyang karelasyon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!