Pahayag Noon Ni Liza Soberano Sa Ph Loveteam Culture Binalikan Dahil Sa Nangyari Kay Barbie Forteza

Miyerkules, Hulyo 26, 2023

/ by Lovely


 Muling binalikan ng mga netizens ang naging pahayag ni Liza Soberano patungkol sa loveteam culture ng Pilipinas dahil sa naganap na GMA Gala 2023 kung saan solong rumampa sina Jak Roberto at Barbie Forteza na alam naman ng lahat na may relasyon.


Tila naging mas malinaw na sa lahat ang naging pahayag noon ni Liza Soberano patungkol sa loveteam culture ng Pilipinas.


Matatandaan na sinabi noon ni Liza Soberano na nagiging toxic ang loveteam culture ng Pilipinas dahil pinipilit umano ng management na palaging magkasama ang mga artistang nasa loveteam at pinapaarte na totoong mahal ang isa't-isa sa harap at likod ng kamera.


Tila ito ang nangyari kina Barbie Forteza, Jak Roberto at David Licauco. May mga kumakalat ngayong isyu na umano'y desisyon ng GMA management na hindi magkasama sina Jak Roberto at Barbie Forteza sa GMA Gala para hindi masira ang loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco.


Pakana umano ito ng GMA para hindi masaktan ang mga fans ng BarDa at patuloy pa ring suportahan ang loveteam nila.


Hindi naman sang-ayon ang ilang mga netizens at JakBie fans dahil labas na dapat umano sa mga ganitong event ang loveteam dahil marami naman sa mga real life couple ang magkasama sa kabila ng pagkakaroon ng loveteam.


Marami naman sa mga netizens ang naawa kay Jak Roberto dahil solo lamang itong rumampa. 


Hindi rin maiwasang mabatikos si Barbie dahil kumakalat din ngayon ang video kung saan kitang-kita ang pagkindat at ngitian nina Barbie Forteza at David Licauco sa naganap na GMA Gala Night 2023.


"buti pa loveteam pinoprotektahan hahaha"


"Let’s cancel Philippine toxic celebrity culture"


"This is what @Liza Soberano was talking about"



@samut.sari #GMAGala2023 #Barda #JakBie #barbieforteza #klay #davidlicauco #jakroberto #fidel #gmanetwork ♬ Gala Night - Jino Labitigan

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo