Ogie Diaz, Nagreact Sa Napapabalitang Unprofessionalism at Paglaki Ng Ulo ni Herlene Budol

Miyerkules, Hulyo 19, 2023

/ by Lovely


 Tinalakay sa kamakailang showbiz update vlog ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz ang napapabalitang unprofessionalism ni Herlene Budol at ang paglaki umano ng ulo nito.


Ayon kay Ogie Diaz nababasa niya sa mga ipinapakita ni Herlene Budol na nagiging arogante na ito dahil sa kanyang pagsikat.


“Parang nasilip ko talaga, parang nase-sense ko ‘yong paglaki ng ulo ni Herlene Budol, sorry to say ha. Oh, kaibigan natin si Momshie, Momshie Wilbert, pero sana hindi ito senyales ng paglaki ng ulo,” pahayag ni Ogie Diaz.


Nakarating umano kay Ogie Diaz ang mga balitang palaging nali-late si Herlene mapa-taping man sa kanyang programa sa GMA7 at sa mga rehearsal sa Ms. Grand Philippines.


“Kasi naririnig ko eh, sa GMA, ‘yong mga pagiging unprofessional ni Herlene din, doon sa taping ‘di ba, at dito rin ‘pag uma-attend siya ng rehearsals ng Miss Grand eh nale-late din siya.”


Hiling naman ni Ogie Diaz na huwag sayangin ni Herlene ang mga pagkakataon na umaayon sa kanya sa ngayon.


“Sana no, lalo na eh sinusubo na lang sa’yo ‘yong mga pagkakataon, ‘yong oportunidad, i-grab mo, ingatan mo, mahalin mo, pahalagahan mo. Kasi nakikita ko talaga, feeling niya sikat na siya. Feeling niya sikat siya,” pagbibigay payo ni Ogie Diaz kay Herlene Budol.


Hiling din nila na sana ay sagutin ni Herlene ang mga isyung binabato sa kanya ngayon lalong-lalo na ang pagiging unprofessional nito.


“Iyon ang mga nababalitaan natin, ‘yong pagiging unprofessional ni Herlene. Oo, lalo na sa call time. Late-late. Tapos sa call time ng mga rehearsals nale-late din siya. Baka sabihin naman nila ako naman pupukulin nila, ako iba-bash nila, eh sige, sagutin ‘yan ni Herlene kung bakit nangyayari ‘yan, bakit may ganong sumbong sa akin na siya ay napaka-unpro.”


Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa sinasagot ni Herlene ang isyu ng paging unprofessional niya at ang umano'y paglaki ng kanyang ulo dala ng kasikatan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo