Noli De Castro May Pasaring Sa Kasal Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde

Linggo, Hulyo 30, 2023

/ by Lovely


 Hindi nagustuhan ng mga fans ng bagong kasal na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang komento ng news anchor na si Noli De Castro.


Huling ibinalita sa TV Patrol ang naganap na kasalan nina Arjo Atayde at Maine Mendoza kaya naman tila nagkaroon ng pagkakataon si Noli De Castro na ipahayag ang kanyang komento hinggil sa nasabing event.


Bigla na lamang sumegway si Noli De Castro hinggil sa pananalasa ng bagyong Egay sa Baguio City kung saan rin ginanap ang kasalan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.


Sa kabilang banda, binati naman nina Karen Davila at Bernadette Sembrano ang bagong kasal.


"Katuwa naman, kasal na sila," pahayag nila.


Subalit, naging kagulat-gulat ang isinagot ni Kabayan Noli De Castro.


"Kayo habang kinakasal, kawawa naman 'yung binabagyo," saad ni Kabayan.


Kasunod nito, nagbigay na ng pahayag si Noli De Castro patungkol sa pananalasa ng mga bagyo sa Pilipinas.


Hindi naman ito nagustuhan ng mga fans nina Arjo Atayde at Maine Mendoza kung bakit kinokonek ni Noli De Castro sa bagyo ang masayang kaganapan sa buhay ng dalawang celebrities.


Tila ipinapalabas pa umano ni Noli De Castro na kasalanan nina Arjo Atayde at Maine Mendoza kung bakit sinalanta ng bagyo ang nasabing lugar.


Matapos kasi ang pananalasa ng Bagyong Egay agad may paparating na namang bagyoang Bagyong Falcon.


Marami sa mga netizens ang nagsasabing tila naging bitter umano si Noli De Castro sa nasabing kasal nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.


Gayunpaman, marami naman ang nagtatanggol sa news anchor at sinabing paraan lamang niya iyon para malipat ang usapan sa paparating na namang bagyo.


Matatandaan na noong July 28, 2023 naganap ang kasal nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Alphaland Baguio Mountain Lodges sa Baguio City.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo