May mga nagsilabasan ngayong mga haka-haka patungkol sa dahilan kung bakit hindi namataan ang tinaguriang 'Most Powerful couple' ng Malacanang na sina Paul Soriano at Toni Gonzaga.
Ito'y matapos maglabas ng blind items sina Cristy Fermin at Romel Chika patungkol sa anila'y powerful personality na isa ring appointee ng gobyerno na ayaw makita ng isang mataas na namumuno.
“Meron pong isang personalidad, appointee ito sa ating pamahalaan na naku, talagang hindi na puwedeng makita ngayon ng isang mataas na tagapamuno dahil nagsalita ng, ‘ayoko na siyang makita dito sa opisina ko kahit saan, ayaw ko ng makita ang pagmumukha ng taong ‘yan!'” pahayag ni Manay Cristy Fermin.
“Ay, kinasusuklaman na ang peg!” pagrereact naman ni Romel Chika.
“Oo hindi na siya puwedeng makita nu’ng mataas na tagapamuno, akala ko ba powerful kayo? O, walang forever! ‘Yun lang ‘yun. O, hanggang doon lang tayo Romel ha, basta mararamdaman natin parang nawawala na sila ngayon sa sirkulasyon.
“Mga powerful na nawalan ng powers!” pagdedetalye ni Manay Cristy Fermin.
Samantala, dahil binanggit ni Cristy Fermin ang 'powerful' marami ang naghihinalang ang tinutukoy ni Cristy Fermin ay walang iba kundi sina Toni Gonzaga at Paul Soriano.
Nag-ugat ang pagtawag kina Paul Soriano at Toni Gonzaga bilang 'powerful couple' matapos isiwalat ni Paul Soriano sa isang panayam na ang kanyang asawa ay maituturing 'powerful' celebrity.
“Probably the most powerful celebrity today. Whether you love her or hate her, you have to give credit where credit is due.”
Marami rin ang nakapansin na wala sa ikalawang SONA ng pangulo si Paul Soriano at hindi na rin siya ang kinuhang director para sa nasabing event.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!