Mobile Legends Pro Player Ch4knu Inaakusahang Nang Gr00ming!

Lunes, Hulyo 24, 2023

/ by Lovely


 Natawag ang pansin ng mga gaming fans at ilang mga netizens sa isang social media post ni Alexa Rhenhardt kung saan inaakusahan niya ang isang Mobile Legends Pro Player na si Ch4knu ng umano'y grooming.


Ayon sa Facebook post ni Alexa, pinipilit umano siya ni Ch4knu na magpadala ng mga private photos. Sa panahon umanong ito ay 16 years old pa lamang siya.


Ibinahagi rin niya ang ilang mga screenshots ng umano'y conversation nila kung saan pinipilit siya ng player na ipakita ang kanyang underwear.


“16 years old lang ako that time and he’s asking me things like that plus he asked me to have a day with him at Tagaytay, I thought it will be at skyranch since uso yon before, then nagulat ako nung nagsabi siya na we’re going to have seggs sa Tagaytay. 


"After that he said that “Wag ka mag alala ipapa grab naman kita pauwi”. I tried to post him before pero without name and alam ko na aware siya kasi he unfollowed me sa lahat ng socials niya,” pagsasalaysay ni Alexa.


Agad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga gaming fans. May mga bumatikos kaagad sa pro player subalit may mga nakapansin naman na tila nagbibigay din umano ng motibo ang babae.


"Sos issue nanaman. Kong totoo talagang si bunak yan. Pakita mo lahat ng convo nyo. Simula sa pinaka una na conversation nyo. Gagawa nangalang ng issue kabubuhan pa hays.

mine rin to, gusto makita panty ni Alexa"


"Masaya kana ngayon? Ginusto mo ‘yan diba? Haha, ayos ayos. Grinoom mo ako diba?"


"ALEXA FEATURING GINUSTO, BINIGYAN NANG MOTIBO, PI-NOST FOR CLOUT, GAGAWA NANG ISSUE KABUBÚHAN PA RAW."


Samantala, hindi pa nagbibigay ng sagot si Ch4knu, aka Joshua Mangilog sa totoong buhay, sa isyung binabato sa kanya na mula pa umano noong 2021.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo