Nilinaw na ng content creator at vlogger na si Mimiyuuh ang kanyang naunang pahayag patungkol sa pakikipagdate matapos ang tila pang-ookray sa kanya ng motivational speaker at businessman na si Rendon Labador.
Bukod kay Rendon Labador, binatikos rin ng ilan pang netizens si Mimiyuuuh at tinatawag ngayon na matapobre.
Matatandaan na sa isang panayam kung saan nagbibigay siya ng advice, ipinunto niya na kasalanan umano ang pakikipagdate at pagjojowa ng mga hindi financially stable.
“My ex and I broke up two months ago. May utang siya sa akin na malaki, and hindi ko alam kung paano siya sisingilin. Dapat sana magkusa siya since alam naman niya na dapat niya akong bayaran. Ilang beses ko na siya na-message pero puro excuses lang. Paano ba ‘to?” paghihingi ng payo ng isang netizen.
Agad naman itong sinagot ni Mimiyuuuh at ipinahayag ang kanyang paniniwala patungkol sa pakikipagdate.
“Unang-una sa lahat, bakit naman ho kasi kayo magjojowa ng walang pera?! Diyan ka nagkamali eh, nagjowa ka ng walang pera.
“Iyan ang aking lesson learned, never ever date someone na walang pera. Hindi ko naman sinasabi na it really matters. Actually, it matters. Dapat kasi stable ka muna sa sarili mo bago ka magdagdag ng tao sa buhay mo…
“I think dapat talaga siyang magkusa. And ‘yun nga, kung wala talagang way para mabayaran ka, I think take it na lang as a consequence kasi nga nag-date ka ng walang pera. So next time, huwag ka na mag-date ng walang pera,” pahayag ni Mimiyuuuh.
Subalit iba naman ang pananaw ni Rendon Labador at sinabing ang mga pangit ang dapat na magbayad sa mga gastusin sa date para maging fair naman sa may itsurang karelasyon.
Samantala, ipinunto naman ng ilang mga netizens na dapat ay hindi maging mapagmataas si Mimiyuuuh dahil lang sa financially stable na ito ngayon.
Kaya naman, sa isang Twitter video, nilinaw ni Mimiyuuuh ang kanyang naunang pahayag.
“Hindi naman po ibig sabihin na mag-date kayo ng mga milyonaryo, mga bilyonaryo… hindi po ganun, opo. Mag-date kayo ng someone na may drive, mag-date kayo ng someone na kayang dalhin ‘yung sarili. ‘Yung hindi mangungutang at aasa sa inyo. ‘Yun lang po ‘yun, period.
“Kaya po medyo nalungkot po ako sa mga tao na sinasabi po na matapobre daw po ako, na parang hindi daw po ako galing sa hirap. Galing po ako sa hirap, opo. Pero nakipag-date po ba ako nung wala akong pera? Hindi po. Maybe because wala pong nagkakagusto sa akin during that time, but at the same time, alam ko po ‘yung priority ko during that time. Priority ko pong ayusin ang buhay ko, priority ko po ang family ko, priority ko po ang career ko at priority ko pong gawing buo ang sarili ko bago po ako magdagdag ng ibang tao sa buhay ko… Kasi ayaw ko pong maging pabigat sa ibang tao.
“Ang akin lang, complete yourself first. Make yourself whole tapos maghanap ka rin ng someone na whole kasi ‘yun po ‘yung deserve mo, opo… Dapat alam mo kung ano ‘yung deserve mo.”
‘WAG KAYONG MAGDATE NG MGA TAONG WALANG PERA! pic.twitter.com/bOGXUuZaSO
— mimiyuuuh 🦖 (@mimiyuuuh) July 4, 2023
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!