Michael V. Nais Kuning Guest Si Vice Ganda Sa Bubble Gang

Lunes, Hulyo 3, 2023

/ by Lovely


 Agad na sinagot ni Michael V na kilala rin bilang si Bitoy ang katanungan ng ilang mga press people patungkol sa kung sino sa mga Kapamilya actress ang nais niyang maging guest sa kanilang programang Bubble Gang.


Ayon kay Bitoy, kung mapagbibigyan ay nais niyang maging guest si Vice Ganda sa kanilang programa.


Tila may posibilidad naman itong maganap sa ngayon dahil sa paglipat ng It's Showtime sa GTV. Nauna na ring ipinahayag ni Vice Ganda sa naganap na contract signing sa pagitan ng ABS-CBN at GMA na magiging guest siya sa ilang mga Kapuso programs at shows upang ipromote ang It's Showtime.


“Vice Ganda has always been open to collaboration tsaka the last time we met, last time nagkausap kami, lagi niya sinasabi, ‘Sana makapag-guest ako sa Bubble Gang’ So, sana mabigyan ng chance,” pagsisiwalat pa ni Bitoy.


Dagdag pa ni Bitoy, magandang pagsamahin sina Vice Ganda at ang isang karakter niya sa Bubble Gang na si Mr. Assimo. Isiniwalat pa ni Bitoy na may balak siyang gumawa ng pelikula na kanyang pagbibidahan kung saan gagampanan niya ang papel ni Mr. Assimo.


“In fairness to us ‘yung Mr. Assimo dapat it was in the works. I have the script ready na. Kaya lang nagkaroon ng konting delay, inabutan na ng pandemic. I think if ever we are going to produce a movie out of the show. I think that’s next in line.”


Samantala, tuluyan nang nailipat sa Sunday Grande ng GMA7 ang longest running gag show na Bubble Gang. Mapapanood ito sa kanilang bagong timeslot, tuwing alas 6 ng gabi mula sa darating na July 9, 2023.


Bagama't marami sa mga cast members ang napalitan, mananatili naman sina Michael V., Paolo Contis, Betong Sumaya, Chariz Solomon at Kokoy de Santos.


“It’s a welcome change for us. For the longest time, Bubble Gang has been running ng Friday nights, so this time around, sa Sunday night medyo mas wholesome ‘yung timeslot niya. Mas challenging for us. Hindi naman ganun ka-challenging sa dami na ng restrictions ngayon na ginagawa namin, parang itong Sunday, 6 p.m. earlier timeslot is actually hindi naman ganun kalaking challenge.


“Basta, it’s for the wider audience so we have to be very-very conscious about the content we are giving to our audience,” saad ni Bitoy.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo