Muling naging laman ng usap-usapan online ang basketball star na si Ricci Rivero matapos mag-viral ang vlog ni Vice Ganda kung saan itinampok ang dating nobya nito na si Andrea Brillantes.
Ikinaluka ng mga netizens at maging ilang mga personality ang mga isiniwalat ni Andrea Brillantes tungkol sa hindi niya pinangalanang ex.
Ayon pa kay Andrea, hindi nagpapa-laundry ng isang taon ang kanyang ex at kung babawiin niya ang lahat ng bagay na ibinigay niya rito ay wala nang matitirang gamit sa condo unit nito.
Bagama't wala namang pangalan na binanggit si Anrea marami ang nag-iisip na ito ay walang iba kundi ang latest ex boyfriend na si Ricci Rivero.
Maging ang “TV Patrol” anchors na sina Kabayang Noli de Castro, Alvin Elchico at Bernadette Sembrano ay nagulat rin sa napanood na report ni Star Patroller Gretchen Fullido tungkol sa mga naging pahayag ni Andrea sa vlog ni Vice Ganda.
Kaya naman sa pagtatapos ng TV Patrol, naglabas sila ng kanilang mga saloobin at reaksyon hinggil sa pahayag ni Andrea Brillantes.
Tila hindi nila naintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Andrea Brillantes sa hindi pagpapa-laundry ng isang taon.
“Anong isang taon? Isang taong hindi naglo-laundry ng alin?” tanong ni Alvin
“Mga damit siguro ano ba ang ilo-laundry, e, di damit,” sagot naman ni Kabayan Noli.
“O, e, bakit isang taon? Parang side A, side B ganu’n?”
Tawang-tawa naman si Bernadette sa usapan ng dalawa.
“Tinatanong ko nga kasi hindi ko alam.”
“Mga damit niya siguro matagal ng hindi nalabhan ng sarili.”
“Baka naman naiwan niya sa trunk ng kotse ‘yung kanyang damit kaya isang taong hindi nalabhan?”
“Antay natin ‘yung sagot,” sambit na lamang ni Alvin.
Narito naman ang ilang mga komento ng netizens.
“The sexual tension between Ricci Rivero and Tide detergent.”
“CONFIRMED! According to our Queen, Blythe / Andrea Brillantes…. Hindi mabango si Ricci Rivero! Hahahahahaha. @iamandrea_b.”
“Kung ang normal na tao ang mga panaginip ay nahuhulog sila sa bangin, kay Ricci Rivero nalalaglag siya sa washing machine tas umiikot ikot lang siya sa sabon.”
Samantala, wala pang inilalabas na sagot si Ricci Rivero tungkol sa mga pagsisiwalat ni Andrea Brillantes. Hindi rin naman nilinaw ng dalaga kung si Ricci Rivero nga ang kanyang tinutukoy na ex sa kanilang pag-uusap ni Vice Ganda.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!