Mga Jalosjos Nagsalita Na Sa Isyung Iniiwan Na Sila Ng Kanilang Mga Advertisers

Linggo, Hulyo 2, 2023

/ by Lovely


 Nagsalita na ang pamunuan ng TAPE Inc. sa kumakalat na isyung iniiwan na sila ng kanilang mga advertisers kasunod ng pag-resign ng mga legit dabarkads sa kanilang show.


Pinabulaanan din nila ang isyung nanghihingi ng refund ang ilan sa mga advertisers na naiwan at nakapagbigay na ng advance.


Isa sa sinasabing major advertiser ng Eat Bulaga ang PureGold sa mga sinasabing nanghihingi ng refund sa kanila.


Samantala, naglabas na ng official statement ang abogado ng mga Jalosjos na si Atty. Maggie Abraham-Garduque. Kung saan sinabi niyang nirerespeto pa rin ng Puregold ang kanilang kontrata.


Ipinunto pa nitong hindi nawalan ng bisa ang kontrata nila at ng Puregold sa pag-alis ng dating hosts ng kanilang show. Dagdag pa nito, hindi refundable ang kanilang kontrata.


“The contract is between Puregold and TAPE Inc. for Eat Bulaga! show. It is coterminous with the show and not with the hosts. Thus, there is no ground for a refund even if the main hosts left. As long as there is a show ‘Eat Bulaga’ within the wide reach network, GMA Network, the contract between TAPE Inc. and Puregold shall subsist.” 


“These are two big companies which both respect the terms of the contract. It is stated in their contract that the same cannot be cancelled, and the fee is non-refundable,” pahayag ng abogado.


Ibinulgar pa nito na magkakaroon pa umano ng panibagong segment ang kanilang show kung saan ipo-promote ang kanilang mga produkto.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo