Naninindigan ang isa sa mga fans na pumasok sa dressing roon ni Lea Salonga na hindi siya hihingi ng paumanhin sa walang pasabing pagpasok nila sa dressing room at lalong lalo na sa pagpapakalat niya sa video ng pagpapaalis sa kanila ni Lea Salonga.
Nanindigan pa si Christopher Carpila, isa sa mga fans ni Lea na pumasok sa dressing room, na siya ring nasa likod ng kontrobersyal na “dressing room” video ngayon ng Broadway star, na wala siyang ginawang kasalanan.
Wala umano silang nakikitang mali sa pagbabahagi nila sa nasabing video kaya wala silang dapat hingan ng paumanhin dahil rito.
“Siyempre tayong mga Pilipino, di ba, kapag may show, gusto natin para may remembrance tayo, makapag-picture tayo. Noong labasan na, nagtanong kami sa isang personnel kung saan namin pwedeng makita si Ms. Lea,” pagkukwento nito.
“In-instruct niya kami na pumunta sa exit door, which is kung saan lumalabas ‘yung mga artista kapag talagang magsa-sign ng autograph or pauwi na, so pumunta po kami doon. Ito po ‘yung sa pinakalabas ng theater,” dagdag pa niya.
Naghintay rin umano sila ng matagal kasama ng iba pang mga fans ni Lea. Nagtanong din umano sila sa isa sa mga staff kung nasaan si Lea, sinagot naman umano sila na baka nasa dressing room ito.
Ilang beses din umanong tinanong ng staff ang kanilang mga pangalan hanggang sa sinabihan na silang pumasok.
Nang makapasok na sila, labis na lamang ang kanilang pagkagulat dahil sa naging reaksyon ni Lea, pero nirerespeto umano nila ito dahil baka pagod lamang ang actress-singer.
“Wala po kaming na-name drop na kahit sino noong time na ‘yun… at pagdating ng moment namin, parang ready na kaming lahat. Tapos noong nakita namin siya, alam niyo ‘yung kandila na parang nalusaw? Parang hindi namin ine-expect but of course, nirerespeto po namin si Ms. Lea.
“Baka that time pagod po siya or whatever. Naiintindihan po namin ‘yun kaya kung mapapansin niyo po, noong nag-instruct siya sa amin na doon, doon, sinunod pa rin namin siya,” chika ng nagpakilalang si Christopher.
“Tapos right after ng show, suddenly doon sa exit which I think na malapit sa dressing room, nakita ko po si Ms. Lea. Bigla ko pong kinalabit ‘yung mga kasama ko na gustong magpa-picture sa kanya sa dance floor, dahan-dahan kaming lumapit pero sabi niya (sa security), ‘I don’t know them.'”
Inamin naman nila na sinabi nga ng isa sa kanyang mga kasamahan ang pangalan ni G Toengi, pero honest mistake lamang umano iyon dahil nataranta na ito sa ginawa ni Lea Salonga.
Samantala, ipinagdidiinan naman ni Christopher na wala silang mali sa ginawa niyang pagpapakalat sa video.
“Alam ko na wala po akong ginawang masama. Tao lang ako na ‘di nakapag-isip ng iki-click… tayong mga Pilipino kapag nakakaramdam ng konting sakit ng dibdib, nakakapag-post tayo, nakakapagsalita tayo ng mga bagay na hindi natin alam ang naging consequence. Ayun po siguro ang nangyari sa akin, dahil sa disappointment lang.
“Nirerespeto ko po si (Lea). Hindi ako nagsisisi na ipinost ko siya kasi nga lumuwag ‘yung dibdib ko. Nailabas ko disappointment sa dibdib ko. Nailabas ko na siya.
“I think hindi naman po ako nag-cross sa boundaries niya. Naipakita naman po sa video ‘yun. Hindi naman ako lumapit sa kanya nang malapit na malapit," paninindigan ng fan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!