Marami ang nag-aabang ngayon na mga fans ni Barbie Forteza kung sino ang kanyang magiging escort sa darating na GMA Gala 2023.
Marami sa mga ito ang napapatanong at nag-aaang kung tambalang 'JakBie' ba o 'BarDa' ang makikitang rarampa sa red carpet ng GMA Gala.
Sa Twitter account ni Barbie Forteza, niretweet niya ang tweet ng isang Twitter user kung saan makikita ang larawan nina Barbie, Jak Roberto, at David Licauco.
Ayon sa caption, inaabangan na umano ng mga fans ng tatlong showbiz personality ang red carpet walk ng kanilang idols.
“Days before the #GMAGala2023, fans of #BarbieForteza, #JakRoberto & #DavidLicauco are anxiously waiting for the red carpert walk of their idols.
JakBie fans are expecting the real to walk together while legions of #BarDa fans don’t want to be disappointed.”
Samantala, inilabas ni Barbie Forteza ang kanyang saloobin sa nasabing tweet.
Ayon kay Barbie, hindi niya iniisip ang bagay na ito dahil nagpapagaling pa siya at may gagawin pa umano siyang project before ang GMA Gala 2023.
“HAHAHAHA gusto ko yung ito na agad ang iniisip niyo. Samantalang ako, ginagawa ang lahat para magpagaling dahil may trabaho pa ko bago mag-Gala. not covid tho. Gumive up nalang talaga ang (sexy) body ko sa dami ng blessings this month. Amen.”
Hindi naman napigil ni Barbie ang sarili at ipinahayag niyang gusto rin niya na inaabangan ng mga netizens kung sino ang kanyang magiging leading man sa Gala.
“Pero gusto ko tong mga paganto ha? It’s giving main character vibe! Nakakafretty, indeed! Char.”
Samantala, hindi naman sinabi ni Barbie Forteza kung sino ang kanyang magiging escort sa gala, ang kanya bang real life partner na si Jak Roberto o ang kanyang reel partner na si David Licauco.
HAHAHAHA gusto ko yung ito na agad ang iniisip niyo. Samantalang ako, ginagawa ang lahat para magpagaling dahil may trabaho pa ko bago mag-Gala 🤒💊 not covid tho. Gumive up nalang talaga ang (sexy) body ko sa dami ng blessings this month. Amen 🙏🏻
— Barbie Forteza (@dealwithBARBIE) July 19, 2023
Pero gusto ko tong mga paganto… https://t.co/ymqPgeZwiE
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!