Mga Celebrities Na Spotted Sa Ikalawang SONA ni PBBM!

Lunes, Hulyo 24, 2023

/ by Lovely


 Hindi lamang ang mga may matataas na posisyon sa Gobyerno ang nakiisa sa ikalawang State of The Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos, naroon din at nakiisa ang ilang mga sikat na celebrities.


Isa na rito ang ever supportive wife ni Sen. Chiz Escudero na si Heart Evangelista.


Talagang hindi rin ito nagpapahuli sa kanyang super classy OOTD, isang white terno Filipiniana pantsuit na dinisenyo ni Michael Leyva. Samantalang suot naman ni Sen. Chiz ang gawang Barong Tagalog ni Paul Cabral.




Spotted rin ang pagrampa ng isa pang kilalang vlogger-actress na si KaladKaren. Suot naman niya ang isang “puto bumbong” inspired outfit dahil papalapit na rin ang Christmas season.




Nakita rin sa hanay ng mga politiko ang celebrity mom na si Karla Estrada suot ang isang pink Filipiniana dress.




Maging ang beauty queen actress na si Isabelle Daza ay nakunan din sa kamera habang seryosong nakikinig sa talumpati ng pangulo.




Tinalakay ni Pangulong Marcos sa kanyang ikalawang Sona ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa loob ng isang taon matapos maupo bilang pangulo.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo