Mga Bigating Artista Imbitado Sa Kasal Nila Ni Maja Salvador at Rambo Nunez!

Lunes, Hulyo 31, 2023

/ by Lovely


 Ikinasal na sina Maja Salvador at Rambo Nunez sa Bali, Indonesia nitong lunes July 31, 2023.


Present naman sa masayang kaganapang ito ang mga celebrities na naging malapit kay Maja Salvador.


Nagbahagi ng selfies habang nasa airport ang ABS-CBN CEO na si Carlo Katigbak at ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. 


Tatayong principal sponsor sina Carlo Katigbak, dating aktor at Leyte 4th District Representative na si Richard Gomez, Ariel Rivera, at Rhea Tan.


Naroon din at invited sa kasal sina Kathryn Bernardo, Miles Ocampo, John Lloyd Cruz, Kakai Bautista, Thou Reyes at marami pang iba.


Matatandaan na naging pribado at hindi ibinabahagi ni Maja Salvador sa kanyang social media at mga tagahanga ang mga detalye sa kasal nila ni Rambo Nunez.


Ilang araw bago ang kasal, saka na ibinahagi nina Maja at Rambo ang kanilang prenup photo na kinunan pa sa Egypt.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo