Nagbubunyi ngayon ang chief finance officer ng TAPE Inc. na si Mayor Bullet Jalosjos dahil nangunguna na ang kanilang noontime show na Eat Bulaga sa mga katapat nitong E.A.T ng mga TVJ sa TV5 at sa It's Showtime sa GTV.
Base sa inilabas na data ng AGB Nielsen’s National Urban Television Audience Measurement (NUTAM) pinangungunahan ng Eat Bulaga ang noontime shows noong July 19, 2023. Kung saan nakakuha sila ng 4.12% ratings habang 3.79% lamang ang nakuha ng E.AT. Nasa huli pa rin ang It's Showtime na nakakuha lamang ng 2.76%.
Samantala, marami naman sa mga netizens ang nagsasabing kaya lamang nangunguna ang Eat Bulaga ngayon dahil malakas ang kanilang signal kung saan maraming lugar sa Pilipinas ang naabot nila.
Gayunpaman, ipinahayag pa rin ng TAPE Inc. management at mismong ni Bulet Jalosjos ang kanilang saya dahil nakuha na nilang lampasan ang show ng mga dating Eat Bulaga host na lumayas sa kanilang pamunuan.
Malaki rin ang pasasalamat ni Mayor Bullet Jalosjos sa mga tagasubaybay ng show na hindi nang iwan sa kanila sa kabila ng kontrobersiyang kanilang kinakaharap.
Samantala, tila nabigo naman ang paniniwala ng ilang mga netizens na hindi magtatagal at babagsak ang show ng mga Jalosjos dahil sa pagsisimula ng show ng TVJ.
Subalit, sa pangunguna ngayon ng Eat Bulaga, nangangahulugan na nga bang totoong nalalaos na ang TVJ at legit dabarkads?
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!