Magpahanggang ngayon ay patuloy pa ring nananahimik ang Kapamilya actor na si Awra Briguela, McNeal Briguela Anilov sa totoong buhay, matapos ang pagkakasangkot niya sa isang rambulan noong June 29, 2023.
Matatandaan na sinampahan ng patong-patong na kaso si Awra Briguela kasunod ng kanyang pagwawala at pagpupumiglas nang damputin siya ng mga Pulis na rumisponde sa lugar.
Agad naman siyang nabigyan ng pansamantalang kalayaan matapos makapagpyansa ng six thousand pesos.
Subalit, hindi natatapos ang kaso sa kanyang pansamantalang pagkakalaya. Ngayon naging usap-usapan ang inilabas na subpoena para kay Awra Briguela. Kung saan nakasaad pang People of the Philippines laban kay Awra Briguela.
Ibig sabihin, tinuloy pa rin ng mga complainant ang mga naisampang kaso laban sa kanya.
Kaya naman agad itong pinutakte ng mga komento mula sa mga netizens at maging ng ilang mga kilalang celebrities.
Matatandaan na naging kontrobersyal ang isyu kinakasangkutan ni Awra Briguela dahil hindi magkatugma ang mga binitiwang pahayag ng dalawang panig.
Ayon sa complainant na nagpakilalang Mark, bigla na lamang nagalit si Awra dahil hindi tuluyang hinubad ang kanyang pantalon kapalit ng pagpapapicture nito.
Agad namang nagreact ang mga kaibigan ni Awra na umano'y hinipuan lamang sila ng mga lalaki at ipinagtanggol lamang sila ng aktor.
Subalit nang lumabas ang CCTV footage at ilang mga video clips lumalabas na nagsasabi ng katotohanan ang mga lalaki.
Samantala, kasunod ng paglabas ng subpoena laban kay Awra naglabas naman ng Facebook post si Direk Darryl Yap patungkol sa isyung ito.
"weeks ago, the People of the Philippines
judged a bunch of boys trying to have fun;
celebrities and wannabe influencers sentenced them to public humiliation and caused trauma to their families and friends.
today, the beer pong table has turned,
the fun filled action nightmare
is now a reality-drama.
A LONG TELESERYE OF TRUTH AND CONSEQUENCES."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!