Tila sinigurado ng ina ni Claudia Barretto na si Marjorie na magiging perfect at memorable ang 24th birthday celebration ng anak.
Naghanda ng isang intimate dinner sina Marjorie at iba pa niyang mga anak para maipagdiwang ang birthday ni Claudia.
Agad namang ibinahagi ni Marjorie Barretto sa kanyang Instagram account ang ilang mga kaganapan sa nasabing birthday celebration ni Claudia.
Nagbigay rin siya ng mensahe para sa kanyang anak na tinawag niyang brave one.
"My beautiful Claudia❤️ Happy Birthday! There is nothing in this world you cannot do once you put your mind into it. The tough one, the perfectionist. Hard outside but definitely soft on the inside. I love you so much ❤️Go out and change the world! I’m behind you always watching proudly."
Nauna na rito ang pagbati naman ni Julia Barretto sa kanyang kapatid. Maging ang kanilang ama na si Dennis Padilla ay bumati rin kay Claudia.
Subalit, tila muling nadedma ito dahil hindi namataang kasama ng mga ito sa kanilang dinner si Dennis Padilla na siyang ama ni Claudia.
Hindi naman ito nakakagulat pa dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi nagkakasundo sina Dennis Padilla at kanyang mga anak kay Marjorie Barretto.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!