Marian Rivera Ayaw Mag Guest Sa TVJ Pero Game Na Game Sa It's Showtime

Linggo, Hulyo 2, 2023

/ by Lovely


 Hindi nakaligtas ang aktres na si Marian Rivera sa mga pagtatanong ng mga netizens patungkol sa nagaganap na palitan ng mga noontime show ngayon sa telebisyon.


Ang dating katapat nilang show na It's Showtime ay nasa kanilang bakuran na habang ang dating nasa bakuran nila ay nasa TV5 na ngayon.


Samantala, nitong July 1 ay nagsimula na ang airing ng It's Showtime sa GTV, isang sub channel ng GMA7. Dahil dito, naitanong kay Marian ng ilang mga press people kung handa ba siyang maging guest rito.


"Marami ang nagtatanong kung magi-guest ba sila Marian sa Showtime na ngayon ay nasa GTV na."


Diretsahan namang itong sinagot ni Marian Rivera.


"Wala pa namang guesting," saad ni Marian.


"If ever ba, open ka naman?" muling pagtatanong ng reporter.


Muling sagot ni Marian, "Of course naman, any basta nasa network ng GMA."


Sa sagot na ito ni Marian, napapatanong ang ilang mga netizen kung game na game na rin ba si Karylle na maging guest si Marian sa showtime.


Matatandaan na hindi naging maganda ang hiwalayan nina Karylle at Dingdong Dantes noon. Tinuturo ring third party sa naging relasyon nila ay walang iba kundi si Marian Rivera.


Base rin sa pahayag ni Marian, tila hindi ito papayag na mag guest sa show ng TVJ na ngayon ay nasa TV5 na. Ipinunto kasi ni Marian na magi-guest lamang siya basta ang show ay nasa GMA Network.


Tiyak namang hindi kakalabanin ni Marian ang GMA7 dahil ito ang nagpasikat sa kanya noon at aminado naman si Marian noon pa na malaki ang kanyang pasasalamat sa network.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo