Agad na nagreact si Madam Inutz sa official statement na ipinahayag ni Wilbert Tolentino hinggil sa pagreresign niya bilang talent manager ni Herlene Budol.
Sa comment section ng Facebook post ni Wilbert Tolentino ipinahayag ni Madam Inutz ang kanyang pagsuporta sa desisyon ni Wilbert Tolentino.
Sinabi pa ni Madam Inutz na kailangan talagang unahin ni Wilbert Tolentino ang kanyang kalusugan at palagi umano siya nasa likod ng bawat desisyon nito.
“Love u sir look after ur self muna at ke king willard nandito kaming lahat para suportahan ka maraming salamat sa kabutihan ng puso mo para samin,” komento ni Madam Inutz.
Ayon sa ibinhaging Facebook post ni Wilbert Tolentino kung saan ipinaliwanag niya ang dahilan ng kanyang pagre-resign bilang talent manager ni Herlene, kailangan umano niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang sariling kalusugan at upang mabigyan ng sapat na oras at atensyon ang kanyang anak.
Sa kabila nito hindi pa rin napigil ang mga haka-hakang baka si Herlene Budol nga ang tinutukoy ni Wilbert Tolentino sa kanyang naunang post patungkol sa taong inggrata. Sa kabila umano ng pagtulong niya ay pabalang pa palagi ang pagsagot.
Matatandaan na nagreact din noon si Madam Inutz kung saan tila nagbigay pa ito ng clue na ang tinutumbok ay walang iba kundi si Herlene Budol.
Samantala, hindi pa naglalabas ng pahayag si Herlene Budol patungkol sa pagre-resign ng kanyang talent manager.
Sa ngayon, hinihintay ng ilang mga netizens ang pagpapalabas ni Wilbert Tolentino ng screenshots.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!