Mabilis Na Pagpapalaya Kay Awra Briguela Nitong Weekend Sagot Daw Ng Influential Backer?

Linggo, Hulyo 2, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y paggamit ni Awra Briguela ng koneksyon para agad na makalabas sa kulungan.


Pansamantalang nabigyan ng kalayaan si Awra Briguela nitong sabado, July 1, 2023 alas nuwebe ng gabi. Nakapagpyansa umano ito ng halagang 6 thousand pesos sa Makati Police Station.


Matatandaan na kinakaharap ni Awra Briguela ang patong-patong na kasong, Physical Injury, Direct Assault, Alarm and Scandal, at Disobedience to the Person in Authority matapos niyang masangkot sa isang kaguluhan sa isang bar sa may Poblacion, Makati.


Isinampa kay Awra ang mga nasabing kaso ng nagpakilalang complainant na si Mark Anthony Ravana at ng mismong Makati Police pulis noong byernes, June 30, 2023.


Samantala, namataan naman ng ilang mga showbiz reporter ang paglabas ni Awra sa presinto noong sabado ng gabi. Nakasuot ito ng face mask at jacket na may hoodie habang nakayuko na tila ba hindi kayang harapin ang kamera.


Kabaliktaran ito sa hitsura ni Awra noong dinadala pa lamang siya ng mga pulis sa presinto na talagang nagppupumiglas pa. Hindi rin ito nagpapapigil sa mga pulis na naging resulta kung bakit  nadagdagan pa ang kanyang kaso.


Samantala, marami naman ang napapatanong na mga netizens, kung may special treatment nga bang nangyari sa maagang pagpapalaya kay Awra.


Nakapagpyansa kasi ito sa araw ng sabado at sa kalaliman pa ng gabi. Kung saan walang opisina sa mga government offices at walang judge na makakapirma sa kanyang release papers.


Talagang malakas umano ang kapit ng nagpyansa kay Awra sa nangyaring ito.


Samantala, may mga nagtanggol naman kay Awra at ipinunto pa ang Circular No. 95-99 noong December 5, 1996 na nasasabing ang lahat ng mga Judges at iba pang court personnel  sa mga Regional Trial Courts, Metropolitan Trial Courts, Municipal Trial Courst sa mga syudad, Municipal Trial Courts, Municipal Circuit Trial Courts at Shari'ah Circuit Trial Courts, ay kailang kailangan na striktong sumunod sa paragraph 5 ng interim rules implementing the Judiciary Reorganization Act of 1981.


Nakakapaloob rito na kailangang may naka-duty na Judge kahit pa sabado o holiday mula alas 8 ng umaga hanggang ala una ng hapon.


"On Saturday afternoons, Sundays ang non-working holidays, any Judge may act on bailable offenses conformably with the provisions of Section 7, Rule 112 of the Rules of the Court."


Kaya naman, normal lamang umano na makakapagpyansa si Awra sa araw ng Sabado.


Sa kabilang banda, hindi pa rin nagpapaunlak ng panayam si Awra at hindi pa rin ito naglalabas ng official statement. Maging ang manager nitong si Vice Ganda ay hindi pa rin nagsasalita.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo