Malaki umano ang naitulong sa pagmo-move on ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes ang kanyang pagbabakasyon sa Spain.
Ibinahagi ng aktres kay Vice Ganda ang kanyang journey sa pagmo-move sa kanyang dating nobyo na si Ricci Rivero.
Ayon sa kwento ni Andrea Brillantes, isa sa mga ginawa niya matapos break up nila ni Ricci Rivero ay ang pagta-travel ng solo sa Spain kung saan muli niyang in-enjoy ang pagiging single.
“Isa po sa mga pangarap ko is maging mommy kasi galing po ako sa parang broken family, so paano ko ma-aadvice sa anak ko ‘yun kung hindi ko kayang gawin sa sarili ko?
“So kailangan ko munang gawin ‘to at mapakita ko na may self-value ako para magkaroon din ng self-value ‘yung anak ko at matuturo ko sa kanya ‘yung tama,” pagbabahagi ni Andrea Brillantes.
Inamin naman ni Andrea Brillantes na nahirapan siyang mag-move on mula sa naging relasyon nila noon ng kanyang ex. Pero nanindigan siyang kailangan niyang mahalin din ang kanyang sarili.
Kaya naman nakagawa siya ng tip kung paano makakamove on ng madali.
“Minsan, kung hirap ka talagang mag-move on, kailangan mo talagang isipin ‘yung mga bagay na ‘Talaga ba? Iiyakan ko ‘yung lalaking hindi nagpapa-laundry ng isang taon?’ Mga ganu’n,” pahayag ni Andrea Brillantes.
Sinang-ayunan naman ito ni Vice Ganda dahil nakakatulong nga umano ang pag-iisip ng nakaka-turn off para madaling makapag move on sa isang relasyon.
“Mari-realize mo na hindi pala talaga siya special, ‘yung pagmamahal ko ‘yung nagpa-special doon sa tao.”
“Ang dami ko po kasi nang pinagdaanan sa life bakit ako mag-aano sa lalaki lang, there’s so much more to this life than just one boy.
“In love pa ‘ko nu’n pero parang may iba na eh, paano ko isisiksik sarili ko roon, saan na ako roon? Love na love ko pa siya, kinaya kong lunukin ‘yung dapat ‘di ko na lulunukin pero ganoon ko siya kamahal. Akala ko siya na pero kinailangan kong tanggapin na hindi,” pahayag pa ni Andrea.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!