Lolit Solis, Sinabing Nalalaos Na Si Willie Revillame Wala Na Daw Naghahanap

Biyernes, Hulyo 7, 2023

/ by Lovely

Usap-usapan ngayon sa social media ang naging pahayag ni Manay Lolit Solis patungko kay Willie Revillame kung saan ipinahayag niya ang pagkalaos nito.


Ayon kay Manay Lolit Solis, mas napapatunayan ngayon ang pagkalaos ni Willie Revillame sa pagiging trending ng tatlong noontime shows.


Ayon pa kay Lolit Solis, hanggang ngayon ay naghahanap pa rin si Willie Revillame ng TV network na magpapalabas sa kanyang show samantala, napakadali lamang para sa TVJ at It's Showtime na makahanap ng panibagong tahanan.


"Nakaka-sad naman Salve mga nangyayari ngayon. Para bang gusto mo na lang isipin parang isang panaginip na lang ang mga nagaganap. 


"Hindi mo aakalain na ngayon naghahanap ng isang network si Willie Revillame na kukupkop sa kanya. Samantalang nuon kasikatan niya para siyang hari o king na hinahabol habol. Maiisip mo ba na isang Willie Revillame malalaos at wala ng pumapansin?"


Wala na rin umanong naghahanap ngayon kay Willie Revillame sa gitna ng mga usapin patungkol sa mga show.


"Hindi man lang siya napag-usapan ng magkaroon ng issue ang mga afternoon shows dahil sa tapatan. Wala man lang naghanap sa isang Willie Revillame. 


"Sa isang iglap bilang naging laos si Willie. Kaya nga ang advice namin, sana mag-retire muna siya at bumalik kung meron ng naghahanap sa kanya. Mukha naman kawawa ang isang Willie Revillame kung nandiyan siya at walang pumapansin di ba?"


Sa huli, pinayuhan pa ni Manay Lolit Solis si Willie Revillame na magretire na at mag lay-low lang muna sa showbiz industry.


"Mas maganda pa iyon, kesa parang pulubi na kumakatok sa mga pinto para mabigyan ng oras. No more time, pahinga muna."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo