Ikinagulat at nagtataka ngayon ang talent manager at showbiz columnist na si Lolit Solis sa isiniwalat ng Queen of All Media Kris Aquino na naghiwalay na sila ng boyfriend na si Mark Leviste.
Kaya naman sa isang mahabang Instagram post nitong July 14, 2023, ipinahayag ni Manay Lolit Solis ang kanyang sentiments at komento sa nasabing balita.
"Parang nagulat ako sa balita na medyo break muna ngayon sila Mark Leviste at Kris Aquino, Salve. Kasi nga, at this point, parang ang dasal mo para kay Kris ang matagpuan na niya ang love sa buhay niya. Matagal narin ang pagbabantay ni Mark kay Kris," pasimula ni Lolit Solis.
Hindi umano niya lubos maisip na maghihiwalay na lamang ng ganun sina Kris Aquino at Mark Leviste dahil naging patient naman umano si Mark sa panunuyo kay Kris Aquino.
"Naging very patient siya sa paghihintay hanggang tanggapin siya nito. Akala ko mga happy ending na para sa dalawa. Nasa edad na sila na hindi naman biglaan ang magiging desisyon sa mga bagay bagay. Tanggap sila pareho ng kanilang mga anak. Mukha naman walang problema sa kanilang pamilya. Ano pa kaya ang naging problema? Bakit nauwi parin sa hiwalayan?
"Sana naman kung maliit na bagay lang ang dahilan maayos agad para walang maging problema. Sana naman maging maganda ang ending nito dahil pareho na silang nasa edad para sa seryosong relasyon."
Gayunpaman, hinihiling pa rin ni Manay Lolit Solis na maging maayos pa rin ang ending nina Kris Aquino at Mark Leviste sa tamang panahon.
"I pray na maging maganda sana ang maging ending nila Kris Aquino at Mark Leviste. For the sake of their relationship na matagal din nakakita ng liwanag. Love is the only answer sa buhay nila ngayon. This is the right time for both of them. Please guardian angels of Mark and Kris, help them."
Matatandaan na isa si Manay Lolit Solis sa mga nasiyahan sa relasyon ni Kris Aquino at Mark Leviste dahil sa wakas umano ay nakakita na si Kris ng lalaki na handang maghintay sa kanya at magmamahal sa kanya sa kabila ng kanyang karamdaman.
Hiniling pa noon ni Lolit Solis na sana'y magkatuluyan na ang dalawa dahil tila maayos naman umano ang relasyon ni Mark Leviste sa mga anak ni Kris at maging sa mga kapatid nito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!