Kinuwestiyon ng talent manager at veteran columnist na si Lolit Solis kung bakit nangangailangan pa rin ng ‘glam team’ ang mga magagandang aktres tulad ni Heart Evangelista para magpaganda sa kanila.
Sa kamakailang Instagram post ni Manay Lolit Solis, inilabas niya ang kanyang saloobin patungkol sa kinakaharap na isyu ni Heart Evangelista sa kanyang dating glam team na sina Justin Soriana at Jeck Aguilar.
Ayon kay Manay Lolit Solis, nagiging forgetful ang dating glam team ni Heart Evangelista gayung palagi silang sinasama ni Heart sa mga lakad niya sa ibang bansa.
Ngayon, lumalabas pa umanong nagmamalaki itong nakasama sa team ni Rhian Ramos.
"Umiral na naman ang pagiging forgetful sa ilang tao, Salve. Gaya ng glam team ni Heart Evangelista na kasama niya lagi sa lahat ng lakad niya. Ngayon para pang nagmamalaki na sila ang team ni Rhian Ramos."
Ibinahagi pa ni Manay Lolit Solis na kay Rhian Ramos na nagtatrabaho ang mga ito. Gayunpaman, naniniwala si Lolit Solis na hindi pa alam ni Rhian Ramos na may isyu ang kanyang glam team sa dati nilang pinagsisilbihan na si Heart Evangelista.
Tiyak umanong hindi rin magtatagal ang mga taong ito kay Rhian Ramos dahil tiyak umanong makakarating rin kay Rhian ang naging isyu ng mga ito kay Heart.
"Sure ako na walang alam si Rhian sa nangyari between Heart at ang glam team nito. Pero tiyak na hindi ito magtatagal dahil makakarating din kay Rhian ang mga bagay na nangyari na kinasasangkutan ng glam team niya ngayon."
Ipinunto pa ni Lolit Solis na hindi niya alam kung bakit kumukuha pa rin ng glam team ang mga katulad nina Heart Evangelista at Rhian Ramos ng glam team gayung magaganda na ang mga ito.
"Naku ewan ko naman Salve at Gorgy kung bakit kailangan pa nila ng glam team na parang hindi na uso ngayon dahil nga sa madali naman para sa magagandang tulad nila Rhian Ramos at Heart Evangelista. Napaka ganda na nila para gumamit pa ng glam team noh!"
Dagdag pa ni Lolit Solis, "Ibigay na nila sa mga hindi kagandahan na mas kailangan ang glam team. Dapat talaga bigyan ng aral ang mga lumalaki ang ulo na akala mo dependent sa kanila ang mga star."
"Ipakita ni Heart na hindi niya type ang ginawa ng team niya at bigyan ito ng leksiyon. Mabuti na lang kahit na stressed si Heart siya parin ang wagi as star of the night, bongga talaga. Walang tatalo pag si Heart Evangelista ang rumampa. Kailangan tumabi ang lahat, dahil may panalo na."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!