Hindi na napigil ng Fil-Am actress na si Liza Soberano na sagutin ang kanyang basher na hindi matigil-tigil ang pambabash sa kanya.
Sa kanyang recent vlog na ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel na may pamagat na 'A New York Minute' noong July 6, 2023, ipinakita niya sa kanyang vlog ang kanyang dinaluhang international event at pictorial ng isang clothing brand.
Matapos ang pag-upload ni Liza sa nasabing video, sunod-sunod na nagkomento ang basher. Ilan sa mga komento nito ay nakakabahala na at bastos pa ang ilan.
Base sa komento ng basher, mahihinuhang isa ito sa mga fans ng dating ka-loveteam ni Liza Soberano na si Enrique Gil. Labis umano itong nasaktan sa pagtalikod ni Liza sa aktor at ipinagpalit ito sa iba.
Damay rin sa galit ng nasabing basher ang bagong manager ni Liza Soberano na si James Reid.
“Kayu mga lizquen fans hindi na kayu papansinin ni liza alam nyo bayun dahil sikat na sya hindi nya na kayu papansinin," unang komento ng basher.
“Nakay quen na ang lahat ng katangian ng isang lalaki tapos nagawa mo syang ipag palit sa iba bakit dahil maganda ka kaya kung gusto mo mag palit papalit palit."
“Maging honest kanaman liza sa mga lizquen fans hindi porket sikat kana at kaya mona mag isa e kakalimutan mona yung lizquen fans maging honest nalang kayu sa kanila kung wala na kayu ni quen o wala na wala naman siguro sila magagawa maging honest kalang" muling hirit nito.
“Ang akin lang maging honest kayu sa mga tagahanga nyo wag nyo silang pag mukain tanga dahil kundi naman dahil sa kanila wala kayu ngayun jan sa kinatatayuan nyo ngayun wag nyo silang paasahin at kung wala na kayu aminin nyo na sa publico para hindi na umaasa yung mga fans nyo”
Pagbabala pa nito sa aktres, “Saka lang ako titigil sa pang bubush pag nalaman kona yung totoo kung kayu pa ni quen o hindi na atlist maging honest ka pero hanggat walang kasagutan patuloy kitang ibabash baka nga isumpa pa kita e”
Pagdidipensa naman nito kay Enrique, “Hindi mo manlang pinahalagahan yung pag mamahal sayu ni quen at mas pinili mong iwanan sya at ipag palit sa iba sa bagay buhay mo naman yan malaki kana"
Subalit, ang mas nakatawag sa pansin ng mga netizens at mismong si Liza ay ang komento nito na hiniling niyang may mangyaring masama sa aktres.
“Sana magahasa yan c Liza sa US o kaya mamatay yung sister niya o kaya daddy nya malandi e iniwan c Quen para kay James.”
Dito na naubos ang pasenya ng aktres at sinagot na ang basher, “I don’t normally reply to stuff like this. Just wanted to say, be careful with what you say and do to other people”
Hanggang ngayon ay hindi pa rin matigil-tigil ang pambabash kay Liza Soberano dahil sa kanyang pag-alis sa management ni Ogie Diaz at paglipat kay James Reid.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!