Leah Navarro Pinatamaan Si Lea Salonga Patungkol Sa Pagtrato Sa Mga Fans

Huwebes, Hulyo 20, 2023

/ by Lovely


 Sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng singer-actress na si Lea Salonga dahil sa pagkalat ng video kung paano niya trinato ang kanyang mga fans, naglabas ng isang tweet ang OPM singer na si Leah Narravo.


Sa nasabing tweet ni Leah Navarro, ipinahayag niya kung paano niya pinakikitunguhan ang kanyang mga fans na humihingi sa kanya ng selfies at groufies.


Ipinahayag din niya kung bakit hindi niya tinatanggihan ang mga ito sa tuwing nanghihingi ng photos sa kanya. Pinasalamatan din niya ang kanyang mga fans ay sinabi pang hindi siya sisikat kung hindi sa pagsuporta ng mga ito.


“I began my singing career in 1977. Throughout, I’ve posed for photos (selfies, now), and given autographs to fans who’ve approached with big smiles and kind words. They’ve always been respectful. I will forever be grateful, without them I’d have no career,” pahayag ni Leah Navarro.


Samantala, marami naman ang nagsasabing tila pasaring umano ito kay Lea Salonga dahil sa ginawa niya sa kanyang mga fans kamakailan.


Matatandaan na naging usap-usapan ang ginawa ni Lea Salonga sa kanyang mga fans na pumasok sa kanyang dressing room.


“Who are you? I’m sorry, I don’t know who you are,” saad ni Lea Salongga sa kanyang mga fans.


Sa kabilang banda, ipinahayag naman ng uploader na labis siyang napahiya sa ginawa ni Lea Salonga sa kanila ng kanyang kasamahan sa dressing room. Labis din umano silang nagulat sa naging reaction ng kanilang idolo nang sila na ang pumasok.


“Para akong ipis na inapakan or kutong tiniris, ‘yun po kasi talaga ang naramdaman ko Sir Julius,” saad ni Christopher.


 “Lahat po kami natulala," dagdag pa nito.


Samantala, marami naman sa mga fans ni Leah Navarro ang nagpatotoo sa kanyang pahayag sa pagiging mabait niya sa kanyang mga fans na humihingi ng autographs at pictures.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo