Leah Navarro Napareact Sa Pahayag Ni PBBM sa Kanyagng 2nd SONA

Martes, Hulyo 25, 2023

/ by Lovely


 Agad na napareact ang singer na si Leah Navarro sa naging pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos patungkol sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa naganap na 2nd SONA.


Kinukwestiyun ni Leah Navarro kung bakit naipahayag ni PBBM na bumaba na ang mga presyo ng pangunahing bilihin kagaya na lamang ng bigas, gulay, karne, at asukal.


Naitanong din ni Leah Navarro sa Presidente kung personal ba itong pumupunta sa mga supermarkets upang tingnan ang presyo ng mga nasabing bilihin.


“Eh? Pumupunta ba siya sa palengke? Nag go-grocery ba siya? Pisti. Binuang. (nuisance, nonsense)” pahayag ni Leah Navarro.


Matatandaan na sa naganap na 2nd State of the Nation Address ni President Bongbong Marcos, ipinahayag nitong napagtagumpayan umano ng kanyang administrasyon na pababain ang presyo ng mga bilihin.


Ito'y sa tulong umano ng mga Kadiwa Centers na naistablish sa buong Pilipinas. Sa ngayon ay may 7000 Kadiwa Centers na umano ang buong Pilipinas na siyang tumutulong para maibaba ang presyo ng mga bilihin.


“Sa mga nakalipas na buwan, nakita natin ang pagbaba ng presyo ng bilihin sa iba’t ibang mga sektor. Napatunayan natin na kayang maipababa ang presyo ng bigas, karne, isda, gulay, at asukal.”


Samantala, napapatanong naman ang lahat ng mga netizens kung saang banda ng Pilipinas may mababang presyo ng bilihin gayung sa bawat parte ng bansa, inirereklamo ng mga mamamayan ang mataas na presyo ng mga bilihin.


Tila nag-iilusyon lamang umano ang Pangulo dahil hindi naman ramdam ng karamihan ang kanyang sinasabing mababang presyo ng bilihin.


"Wow, someone needs a reality check. Lower prices? Sure, tell that to my empty wallet and skyrocketing grocery bills. Maybe President Marcos should shop at his own Kadiwa store and see how far his spare change gets him."


"Me na nakatira na malapit sa isang palengke: Damn, ang taas po ng presyo."


"Oh wow, the government's Kadiwa store project magically lowered prices of food and commodities? Is this some kind of Hogwarts spell or what? I guess we should all just ignore inflation and pretend everything's peachy."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo