Lea Salonga Walang Paki-Alam Kahit Mabawasan Ang Kanyang Mga Fans Dahil Sa Video

Martes, Hulyo 18, 2023

/ by Lovely

Hindi natatakot ang international actress-singer na si Lea Salonga na mabawasan ang kanyang mga fans kasunod ng controversial na pagkalat ng video kung saan makikita ang kanyang pagtanggi at pagtataboy sa mga fans na walang permiso na pumasok sa kanyang dressing room.


Kasalukuyang nasa New York si Lea Salonga para sa kanyang musical na Here Lies Love. Tampok sa nasabing musical ang dating First Lady ng Pilipinas na si Imelda Marcos.


Naging controversial si Lea Salonga nang kumalat sa social media ang isang video nang ginawa ni Lea sa kanyang mga fans na biglang pumasok sa dressing room.


Marami ang nagtanggol kay Lea Salonga dahil pinoproteksyunan lamang umano niya ang kanyang space at sinusunod ang kanyang paniniwala.


Nauna na rin niyang sinabi na may 'boundaries' siya na dapat sundin.


Sa kabila nito, may mga fans din na disappointed dahil sa tila pamamahiya umano ni Lea sa mga fans at kung bakit hindi na lamang nito pinagbigyan ang hiling ng mga fans.


Subalit patuloy pa ring nanindigan si Lea sa kanyang paniniwala na mali ang ginawa ng kanyang mga fans at sa kabila ng pambabatikos at pang-ookray sa kanya sa social media patuloy niyang poprotektahan ang sinasabi niyang “boundaries.”


“The money you pay for a theater/concert ticket does not mean all-access. You pay for that performer’s art, and that’s where it stops."


Hindi rin umano siya natatakot na mawalan o mabawasan ng fans dahil sa kinakasangkutang kontrobersiya.


“I’m not the type to cuss people out, but I will protect my territory and my boundaries. If I lose fans as a result, so be it.” 


Sa isa pang post, ibinahagi pa niya na suportado ng mga producers at ilang co-stars sa Here Lies Love, ang kanyang ginawa sa mga bastos na fans.


“When one of our lead producers and our dance captain saw the video and learned about what happened, they said, ‘You were still very nice, if that were me I would’ve cussed at them and kicked them out.’


“I’m not the type to cuss people out, but I will protect my territory and my…”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo