Viral ngayon sa social media ang video ni Lea Salonga kung saan tila tinataboy niya ang kanyang mga fans na humihiling sa kanya ng groufie kabilang sa mga ito ay isang show producer sa New York.
Kasalukuyang nasa New York si Lea Salonga para sa kanyang musical na 'Here Lies Love.'
Samantala, kumakalat ngayon sa social media ang video ni Lea Salonga sa isang dressing room kung saan pinasok siya ng tatlong Filipino fans para makipag groufie sa kanya.
Makikita sa mukha ni Lea Salonga ang gulat at pagkalito kung bakit nakapasok ang mga ito sa loob ng kanyang dressing room kahit wala naman ito sa guest list.
“Who are you? I’m sorry, I don’t know who you are,” pahayag ni Lea Salonga.
Nakiusap naman ang tatlo na kahit isang picture lang, subalit hindi ito pinagbigyan ni Lea Salonga. Ipinaliwanag pa nito na hindi maaring basta-basta na lamang sila papasok sa dressing room ng walang pasabi at hindi kabilang sa kanyang guest list.
Dagdag pang paliwanag ni Lea Salonga, na kung pagbibigyan niya ang request ng mga ito tiyak na susunod din ang iba pa niyang mga fans at basta-basta na lamang papasok ang mga ito sa kanyang dressing room.
“If you’re not on the guest list we cannot have you back here. So, you’ll have to get to the door because if I allow this now then other people are gonna take advantage,” pagpapaliwanag ni Lea.
Pinaghintay naman ni Lea Salonga ang mga ito sa labas ng kanyang dressing room .
“I’ll see you at the door but don’t go outside. Stay inside the door. Kasi kung wala sa listahan, hindi namin puwede ipasok. For security. Please don’t do that again.”
Sa huli nakakuha ng litrato ang mga nasabing fans ni Lea Salonga.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!