Hindi itinago ng international singer ang kanyang pagkadismaya at inis nang mapag-alaman niyang nag-live stream ang tatlong fans na sumugod sa kanyang dressing room para humingi ng groufie picture.
Isa sa mga fans ni Lea Salonga ang nagbigay ng impormasyon na naglive ang isa sa tatlo sa mismong performance ni Lea Salonga sa Broadway.
"Ayyy putang inang katangahan."
Sa isa pang tweet, isiniwalat ni Lea Salonga na nilapitan din siya ng mga ito sa dance floor matapos ang kanyang performance. Buti na lamang ay kaagad umano siyang pinalibutan ng kanyang mga securities.
“Oh, I neglected to mention that he and his companions rushed me on the dance floor after the show. Security had to surround me at that point because they got scared,” tweet ni Lea Salonga.
Samantala, hindi pa natutukoy kung magsasampa ba ng reklamo si Lea Salonga sa gnagawa ng kanyang mga fans.
Matatandaan na umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang ginawa ng international singer sa kanyang mga fans na walang pahintulot na pumasok sa kanyang dressing room.
Naki-usap ang kanyang mga fans ng isang groufie subalit hindi niya ito pinagbigyan dahil wala umano ang mga ito sa guestlist.
Pinalabas niya ang mga ito at pinaghintay upang makuha ang kanilang hinihiling na litrato.
“Who are you? I’m sorry, I don’t know who you are. If you’re not on the guest list we cannot have you back here. So, you’ll have to get to the door because if I allow this now then other people are gonna take advantage."
Nakuha naman umano ng kanyang mga fans ang inaasam ilang groufie sa labas ng kanyang dressing room.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!