Lawyer ng TAPE Inc. Pinabulaanan Ang Isyu Na Hanggang End Of July Na Lamang Ang Eat Bulaga

Biyernes, Hulyo 7, 2023

/ by Lovely


 Nagsalita na ang abogado ng TAPE Inc. na si  Atty. Maggie Abraham-Garduque patungkol saisyung hanggang sa katapusan na lamang ng July ang airing ng Eat Bulaga ng TAPE Inc. sa GMA7.


Nagin mainit na usapin ang mga noontime shows ng Pilipinas ng magresign ang iconic trio na TVJ sa TAPE Inc. Nakahanap naman agad ng panibagong hosts ang TAPE para sa Eat Bulaga, habang ang iconic trio naman at ibang pang dating hosts ng Eat Bulaga ay nakahanap naman ng panibagong tahanan, sa TV5.


Subalit, dahil sa paglipat ng mga legit dabarkads sa TV5, nagulo naman ang noontime show sa TV5 na It's Showtime. Ibinigay kasi ng TV5 ang timeslot ng It's Showtime sa TVJ.


Kaya naman napilitan naman ang It's Showtime na maghanap ng panibagong tahanan. Tinanggap naman sila ng GTV na siyang subsidiary channel ng GMA7.


Samantala, dahil sa tila pagkakagulo ng noontime show, may mga lumalabas na usap-usapan na umano'y maaring mahinto ang Eat Bulaga at papalitan na sila ng It's Showtime.


Isiniwalat din ito ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin. Ayon kay Cristy Fermin, isiniwalat umano ng isang mapagkakatiwalaang source na hanggang end of July na lamang ang Eat Bulaga.


Subalit, pinabulaan naman ito ng lawyer ng TAPE Inc.


“We do not contest that on July 1, mababa ang rating of ‘Eat Bulaga’ because of the anticipation of people on the launch of new shows, but thereafter, makikita na tumataas na ulit ang ratings into,” saad ng lawyer.





Ipinahayag din nito na naging maayos naman ang mga panibagong segments ng Eat Bulaga partikular na ang segment nina Buboy Villar at Isko Moreno na 'Hey, Mr. Driver'.  


“Ang Eat Bulaga ay para sa tao at hanggang maraming manonood, ang tumatangkilik, patuloy ang Eat Bulaga sa pagbibigay ng saya at tulong sa mga kababayan natin."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo