Agad na nagreak at tila nagpasaring ang isa pang drag queen na si Lady Gagita sa napabalitang idineklarang “persona non grata” sa General Santos City ang kapwa drag queen na si Pura Luka Vega.
Ito'y matapos maging kontrobersyal ang kaniyang drag art performance kay Hesukristo at paggamit sa “Ama Namin” remix.
Ayon sa mga kumakalat na balita, aprubado na ng City Council ng General Santos City ang inihaing resolusyon para maideklarang persona non-grata ng kanilang lugar si Pura Luka Vega.
“While the city council recognized the freedom of speech and expression, and freedom to travel of the performer, the resolution was meant to show the feelings and sentiments of the largely christian population of the city,” pahayag ng GenSan City Council.
Samantala, agad namang nagreak ang isa pang drag queen na si Lady Gagita at tila nagpasaring pa sa City Council. Tila ipinupunto nitong walang katuturan ang pagdidiklarang persona non-grata kay Pura Luka Vega dahil wala naman umano itong gagawin sa kanilang lugar.
"ano naman gagawin ni luka dyan sa gensan hahaha," pahayag ni Lady Gagita.
Matatandaan na nauna nang naninindigan si Pura Luka Vega na wala siyang ginawang masama dahil ipinakita lamang niya ang kanyang pananampalataya sa pamamagitan ng paggamit sa kanyang art bilang drag queen.
Sa kabilang banda, hindi pa rin nagbibigay ng reaksyon si Pura Luka Vega sa pagkakadeklara sa kanya bilang persona non-grata ng GenSan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!