Kuya Wil At Wowowin Magbabalik Na!

Biyernes, Hulyo 7, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang ibinahaging post ng TV-host na si Willie Revillame ng kanyang panibagong kanta na pinamagatang 'Babalik Ako'.


Hinuha ng kanyang mga tagahanga tila babala na umano ito ni Willie na malapit na ang muli niyang pagbabalik sa industriya.


"Sa Programa ng Bawat Pilipino

Kayo ang Bida Dito.

Abangan

“Babalik Ako” by Mr. Willie Revillame"


Ipinahayag din ni Willie sa lyrixs ng kanyang kanta ang pagkamiss sa mga sigawan at palakpakan.


“Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkikita. Palakpakan at hiyawan ay nami-miss ko na, mga yakap ninyo ay nais muling madama. Ako’y nasasabik kayo ay makasama.”


Matatandaan na kabilang sa mga nahintong show sa ALLTV ang Wowowin ni Willie Revillame.


Samantala, sa isang episode ng programa ni Manay Cristy Fermin, naisiwalat nila ang naganap na meeting ng TAPE Inc. at ni Willie Revillame.


Ayon pa kay Manay Cristy Fermin, inofferan ng TAPE Inc. si Willie na maging guest sa Eat Bulaga. Subalit, tumanggi umano ito bilang respeto sa TVJ.


Ngunit, ibang usapan na umano kung ang pag-uusap nila ay tungkol sa Wowowin.


Samantala, marami naman sa mga tagasuporta ni Willie Revillame ang nag-aabang sa muling pagbabalik nito sa telebisyon.


Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag kung saan isisingit ng GMA7 ang show ni Willie Revillame.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo