Nagbahagi ng panibagong update ang actress na si Jodi Sta. Maria sa kuting na kanyang napulot sa Ninoy Aquino International Airport noong nakaraang January 2023.
Agad na umani ng nakakatuwang komento mula sa mga netizens ang ibinahaging update ni Jodi Sta. Maria sa kuting na kanyang na-rescue na binigyan niya ng pet name na Naia.
Kapansin-pansin kasi sa larawan ang malaking pagbabago sa pangangatawan ng kuting mula nang una itong makita ni Jodi Sta. Maria.
Matatandaan na nang unang makita ni Jodi Sta. Maria ang kuting ay napakapayat pa nito at may malaking tiyan subalit base sa larawang ipinakita ngayon ni Jodi kitang-kita ang pagtaba nito na halatang inaalagaan ng mabuti.
“Good morning. This is me now. Found a favorite spot in the kitchen. My mom’s cook top 😽 ~ Naia 🤍,” pagbibida ni Jodi Sta. Maria sa kanyang napulot na pusa.
Narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens na humanga sa napakabuting puso ni Jodi Sta. Maria.
“OMG! Sobrang laki na talaga nang pinagbago ni Naia parang kelan lang nang magtagpo ang landas n’yo mhie Jods sa airport. And now ooohhh so cute.”
“Amazing! Ang laki ng iginanda niya…”
“Nakakabilib! She’s so pretty and adorable!”
"Ang pangalan ni Naia ay binibigkas ng “Naya.”
Marami rin ang humihiling sa aktres na sana'y palaging magbibigay ng update sa alaga nitong pusa na si Naia.
Matatandaan na napagdesisyunan noon ni Jodi Sta. Maria na ampunin at alagaan na lamang ang pusa na nakita niya sa airport.
Pagala-gala lamang umano ito sa airport at nadudunggol pa sa mga luggage ng mga taong paroo't-parito. Pinagsabihan pa umano siya ng isang matanda na hindi nakakilala sa kanya sa pagkuha sa pusang gala.
Good morning. This is me now. Found a favorite spot in the kitchen. My mom’s cook top 😽 ~ Naia 🤍 pic.twitter.com/mH1u8a9TlG
— Jodi Sta.Maria (@JodiStaMaria) July 9, 2023
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!