Nagbigay na ng mga dahilan ang Queen of All Media na si Kris Aquino kung bakit mas pinili niyang tuluyan nang makipaghiwalay kay Mark Leviste matapos ang ilang buwan nilang relasyon.
Inilabas ni Kris Aquino ang lahat sa pamamagitan ng isang Instagram post nitong July 17, kalakip ang larawan nila ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.
Bukod dito ibinahagi rin ni Kris Aquino ang dalawang notes patungkol sa relasyon nila ni Mark Leviste at kung bakit tuluyan na niyang hiniwalayan ang kanyang boyfriend.
“I gave you a cleansed version of why I ended my relationship with Marc. I didn’t lie when I said a long distance relationship is difficult.
“BUT I saw he has many dreams left to fulfill and many obligations to the people who gave him their vote. Sadly, I’m in the battle of my life precisely because I’m doing all I can to save my life because my 2 sons still need me,” mababasa sa note ni Kris.
Aminado rin si Kris na nasasaktan siya sa tuwing nakikita niyang tila nag-ienjoy sa kanyang buhay si Mark Leviste samantalang naghihirap siya dala ng mga side effects ng kanyang mga gamot.
“I’m realistic enough that Marc has a life beyond trying to help take care of me. I apologize for seeming selfish but why I will add stress in my life when I see his posts enjoying himself when I am suffering 8,000 miles away?"
Subalit, ayon kay Kris ganun pa rin ang mangyayari sakaling hindi siya iniwan ni Mark at nanatili ito sa kanyang tabi habang nagpapagamot siya.
“If we had tried to stay together as a couple the ending would still be the same, tao rin ako na mapipikon at magtatampo dahil mararamdaman kong, hindi ba nya naisip ang hirap na pinagdaanan ko?”
Sa kabila naman ng kanilang paghihiwalay, siniguro ni Kris Aquino na wala siyang binibitawang negative comments patungkol kay Mark Leviste.
“Kaya minabuti ko nang sa akin nang manggaling kasi nakita at nararamdaman kong hindi sya handa sa responsibilidad ng seryosong relasyon kasama ang isang babae na tinatanggap ang realidad na yung buhay nya ngayon ay pinahiram na oras lamang ng Diyos.
“Pareho kaming may karapatan na mabuhay sa paraan na pinaka-payapa ang mga puso namin.
“I’m keeping my word that he will never read nor hear me saying anything negative about him because what for. We’re not enemies, we just weren’t meant for each other.”
Samantala, sa comment section ng kanyang post nagkomento si Mark Leviste.
“Love, love, love you-all (three yellow heart emojis).”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!