Kilalanin Ang Naunang Babae Na Minahal Ni Arjo Atayde

Linggo, Hulyo 30, 2023

/ by Lovely


 Bago pa man nagkakilala sina Arjo Atayde at Maine Mendoza, may ilang babae na rin itong nakakarelasyon noon.


Isa na rito ang dating Girltrends member na si Sammie Rimando.


Si Samantha Fey Antoinette V. Rimando na kilala rin bilang si Sammie Rimando ay ipinanganak noong February 6, 1998. Una siyang nakilala sa TikTok, kalaunan ay napabilang siya sa girl group ng It's Showtime na Girltrends.


Sa ngayon ay isa na ring ganap na aktres si Sammie. Napabilang siya sa ilang mga palabas ng Maalaala Mo Kaya, Ipalaban Mo, The Killer Bride, Ang Probinsyano at Wansapanataym.


Si Sammie ang huling nakarelasyon ni Arjo Atayde bago naging sila ni Maine Mendoza. Umabot rin sa dalawang taon ang kanilang relasyon. Taong 2018, kinumpirma ni Sammie ang kanilang hiwalayan ni Arjo na ayon sa kanya ay mutual decision.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo