Isiniwalat ng dating PBB housemate Kiara Takahashi sa isang Tiktok live ang totoong nangyari sa tambalan nila ni ni Gino Roque na isa ring ex-PBB housemate.
Ayon sa mga isiniwalat ni Kiara Takahashi na “scripted” lamang ang love team nila ni Gino Roque. Mismong si Gino Roque rin umano ang nagplano na gawin nila ang loveteam.
May mga social media team na umano ito na hindi naman ipinakilala ni Gino sa kanya.
Matatandaan na kaagad na nag click sa mga netizens ang tambalan nina Kiara Takahashi at Gino Roque na mas kilala bilang KiaNo loveteam.
“Actually, ever since I got out of the house, the real date was that date doon sa restaurant sa tapat ng ABS-CBN. Pagpunta ko dun, sobrang daming camera, ang sabi may dinner date daw, magde-date daw kami. In short, sobrang scripted,” pahayag ni Kiara.
Bagama't inamin niya sa kanyang mga followers na scripted lamang ang lahat ng sweetness at pagpapakilig nila ni Gino Roque, iginiit naman niyang hindi niya ginawa ang pag-amin para siraan si Gino.
Nais lamang umano niyang magkaroon muli ng fresh start at peace of mind.
“I’m saying this not because… hindi ko alam, sinasabi ko to because I haven’t defended myself for almost five years and it caused me so much anxiety and depression. And now, I’m telling the truth, I don’t know… Plano ko na mag-vlog, magpa-interview pero walang tamang timing, I guess this is it. I’m sorry if I’m saying this on TikTok.”
Dahil sa mga isiniwalat ni Kiara, labis na nadismaya ang kanilang fans dahil buong akala umano ng mga ito na totoo ang mga ipinapakita nila sa social media.
"yung kilig ko noon sa Kiano sobra-sobra to the point na kailangan kong i download mga videos nila sa youtube para makapanood sa library kapag nasa school ako pero it turns out it doesn't seem natural as it is hays. Sa panahon ngayon(modernized era) na halos madali na makuha mga bagay-bagay ay mahirap nang makahanap ng True Love. Kaya kung meron man dyan na may lover and keeper sa panahon ngayon ay swerte mo na."
"Mental health niya pinoprotektahan niya wala siya paki alam sa pera kung anu anu pa....nakikita natin n masaya sila pag maksama dlawa pero sa likod ng camera iba pala"
"im feel disappointed of what happened to kiano but i agree with kiara statement about the real truth behind..kala ko genuine yung nararamdaman nya for kiara pero di pala..kiano no more.."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!